NHCP Photo Collection, 2009 |
NHCP Photo Collection, 2012 |
Category: Buildings/Structures
Type: House
Status: Level I- National Historical Landmark
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG BAHAY NG MGA NAKPIL AT BAUTISTA
IPINATAYO NI ARISTON BAUTISTA LIN (1863-1928) AT NG KANYANG MAYBAHAY NA SI PETRONA NAKPIL SA PAMAMAGITAN NG KILALANG ARKITEKTONG SI ARCADIO ARELLANO NOONG 1914.
SI DR. BAUTISTA AY ISANG MANGGAGAMOT, PILANTROPO AT IMBENTOR NG ISANG GAMOT NA PANLABAN SA KOLERA. NANIRAHAN DIN DITO SINA JULIO NAKPIL (1877-1960), REBOLUSYONARYO AT KOMPOSITOR NG MGA AWIT NG KATIPUNAN; KANYANG ASAWANG SI GREGORIA DE JESUS (1875-1943), LAKAMBINI NG KATIPUNAN AT BIYUDA NI ANDRES BONIFACIO; KANILANG ANAK NA SI JUAN (1899-1986) AT PINSANG BUO NITONG SI ANGEL (1914-1979), NA PAWANG MGA TANTAG NA ARKITEKTO.
SA BAHAY DING ITO AY DATING KATATAGPUAN NG PLATERIA NAKPIL NA DINADAYO SA MGA MASUSING PANINDANG MGA ALAHAS.
No comments:
Post a Comment