NHCP Photo Collection, 2019 |
NHCP Photo Collection 2019 |
Category: Personages
Type: Biographical Marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2009
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
TIBURCIO HILARIO
(1853–1903)
ISINILANG SA BARYO NG SAN JUAN, SAN FERNANDO, PAMPANGA, 11 AGOSTO 1853. NAGTAPOS NG PILOSOPIYA, 1869 AT ABOGASYA, 1874 SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS. KASAPI NG MASONARIYA SA SAN FERNANDO. IPINATAPON SA SIASI, JOLO DAHIL SA HINALANG GAWAING LABAN SA PAMAHALAAN, 1892. INILIPAT SA BILANGGUAN NG BILIBID SA MAYNILA, 1896. ITINALAGA NI HENERAL EMILIO AGUINALDO BILANG GOBERNADOR NG PAMPANGA, HUNYO 1898. KINATAWAN NG ILOILO SA KONGRESO NG MALOLOS, 15 SETYEMBRE 1898 AT MULING HINIRANG NANG INILIPAT ANG REBOLUSYONARYONG KONGRESO SA TARLAC, TARLAC, 7 HULYO 1899; HINIRANG BILANG ISA SA MGA BISE PRESIDENTE NG ASAMBLEA NG KONGRESO, 14 HULYO 1899. NAGING MAHISTRADO NG REBOLUSYONARYONG KATAAS-TAASANG HUKUMAN, 14 AGOSTO 1899. YUMAO, 18 PEBRERO 1903.
No comments:
Post a Comment