NHCP Photo Collection, 2013 |
Location: Oton Municipal Hall, Rizal Street cor. Bonifacio Street, Oton, Iloilo
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: May 3, 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BAYAN NG OTON
ISA SA MGA SENTRO NG KALAKALAN AT KOMERSIYO SA KABISAYAAN MULA IKA-12 SIGLO HANGGANG DUMATING ANG MGA ESPANYOL. DATING KABISERA NG PROBINSYA NG OGTONG (NGAYO’Y LALAWIGAN NG ILOILO), 1570–1581. NAGSILBING DAUNGAN, PAGAWAAN NG MGA SASAKYANG PANDAGAT AT PINAGKUKUNAN NG MGA PANGANGAILANGAN SA MGA KAMPO NG MGA SUNDALONG ESPANYOL SA MOLUCCAS AT MINDANAO, IKA-16 NA SIGLO. TINANGGAP BILANG PANGATLONG MISYON NG MGA AGUSTINO SA LABAS NG MAYNILA AT CEBU, 3 MAYO 1572. LUBHANG NASALANTA SA PAKIKIDIGMA NG MGA ESPANYOL LABAN SA MGA INGLES (1593), PANANALAKAY AT PANUNUNOG NG MGA OLANDES (1630), AT PAGLUSOB NG MGA MORO NA TUTOL SA PANANAKOP NG MGA ESPANYOL SA MINDANAO (1662).
No comments:
Post a Comment