Kipit - Ruta ng Ekspedisyon Magallanes-Elcano sa Pilipinas

NHCP Photo Collection, 2021

Location: Kipit, Labason, Zamboanga Del Norte
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Date of marker unveiling: 6 May 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KIPIT

RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS

MULA SA DAKO NG PANILONGON (TINATAYANG NEGROS), PANSAMANTALANG HUMIMPIL ANG EKSPEDISYON SA KIPIT (BAHAGI NGAYON NG LABASON, ZAMBOANGA DEL NORTE), MAYO 1521. INILARAWAN ITO NA MAY MAINAM NA NADUNGAN AT MAYAMAN SA GINTO. NAKIPAGSANDUGO SI CALANAO, RAHA NG KIPIT, KAY JUAN CARVALLO, PINUNO NG EKSPEDISYON. MULA RITO, TUMULOY ANG EKSPEDISYON SA KANILANG PAGHAHANAP SA MALUKU, NOO'Y KILALANG PINAGMUMULAN NG MGA PAMPALASA (BAHAGI NGAYON NG INDONESYA). DITO NABALITAAN NG MGA ESPANYOL ANG TUNGKOL SA AKTIBONG PAKIKIPAGKALAKALAN NG LUZON SA RYUKYU (BAHAGI NGAYON NG OKINAWA, HAPON).

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.

No comments:

Post a Comment