© Joelaldor/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0 |
© Leocvlauzon/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0 |
Location: Borongan, Eastern Samar
Category: Building/Structure
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 7 September 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
KATEDRAL NG BORONGAN
ANG ORIHINAL NA SIMBAHAN NA YARI SA ESKOMBRO AY IPINATAYO NI PADRE FRANCISCO DIEZ NOONG MGA TAONG 1710 BILANG PARANGAL SA MAHAL NA BIRHEN NG NATIVIDAD. ANG PAMAMAHALA SA SIMBAHAN AY INILIPAT NG MGA PARING HESWITA SA MGA PARING PRANSISKANO NOONG 1768. TINUPOK NG APOY NOONG 1773 AT MULING IPINATAYO AT PINALAKI SA PANGANGASIWA NG PADRE ROQUE DE OSMA NOONG 1781. NOONG 1853 ISANG BILOG NA KAMPANARYO ANG IDINAGDAG NI PADRE JUAN NAVARETTE. ANG DISENYO NG SIBAHAN AY GINAWANG HUGIS KRUS NI PADRE ANTONIO SANCHEZ NOONG 1873. NOONG 1887, ANG BUBONG AY BINAGO AT PINALITAN NG SINK O METAL NI PADRE ARSENIO FIGUEROA.
NOONG 1939, INILIPAT ANG PANGANGASIWA SA SIMBAHAN NG MGA PARING PRANSISKANO SA UNANG PILIPINONG KURA PAROKO NA SI PADRE FRANCISCO PALOMERAS NA NAGDAGDAG NG IKALAWANG PALAPAG SA KAMPANARYO. ANG IKATLONG PALAPAG AY IPINAGAWA NI PADRE POTENCIANO ORTEGA NOONG 1950.
NAGING KATEDRAL NG BORONGAN NOONG 1961. ITO AY NAGKAROON NG MALAWAKANG PAGBABAGO AT PAGPAPALAKI NOONG 1962 SA PAMAMAGITAN NG KAPITA-PITAGANG REBERENDO VICENTE P. REYES, D.D., UNANG OBISPO NG BORONGAN. SA KASALUKUYAN ANG BILOG NA KAMPANARYO ANG TANGING BAHAGI NG LUMANG SIMBAHAN NA NANANATILI.
No comments:
Post a Comment