NHCP Photo Collection, 2024 |
NHCP Photo Collection, 2020 |
Location: Taglibi Road, Jolo, Sulu
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1 August 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PRINSESA TARHATA KIRAM
MAKABAYAN, ISINILANG SA MAIMBUNG, SULU, 1904. PAMANGKIN AT AMPON NG SULTAN NG SULU, JAMALUL KIRAM II. UNANG PENSYONADONG BABAENG MUSLIM, 1920, NA NAGTAPOS SA STATE UNIVERSITY OF ILLINOIS, ESTADOS UNIDOS. KASAMA ANG KANYANG ASAWA, DATU TAHIL, ISINAGUPA ANG KRIS LABAN SA BARIL SA MAKASAYSAYANG LABANAN NG TAUSUG AT AMERIKANO, KASAMA SI SENADOR HADJI BUTU RASUL, TUMUTOL SA BACON BILL, 1927, NA MAGHIWALAY ANG MINDANAO AT SULU. PINAMUNUAN ANG MGA TAGA-PAGMANA SA PAGTALIKOD SA MGA KARAPATAN SA SABAH UPANG HUMIGIT ANG PAKIKIPAG-UGNAYAN SA MALAYSIA, TAGAPAYO NI REAR ADMIRAL ROMULO ESPALDON, ISLAMIC AFFAIRS REGIONAL COMMISSION, REHIYON 9. KOMPOSITOR NG AWIT TAUSUG, NAPABATOG SA “JOLO FAREWELL.” PINARANGALAN NG KAWANIHAN NG KOREO ANG KANYANG LARAWAN SA TATLONG PISONG SELYO, 1984. NAMATAY, MAYO 23, 1979, SA GULANG NA 75.
No comments:
Post a Comment