Padre Francisco Ignacio Alcina 1610-1674

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: Palapag, Nothern Samar
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 30 July 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PADRE IGNACIO ALCINA
1610-1674

HISTORYADOR, MISYONERO, AT TAGAPAGTANGGOL NG MGA KATUTUBO. ISINILANG SA GANDIA, VALENCIA, ESPANYA, 2 PEBRERO 1610. PUMASOK SA PAGKAHESWITA SA ARAGON, ESPANYA, 15 PEBRERO 1624. DUMATING SA MAYNILA UPANG ITULOY ANG PAGIGING SEMINARISTA, 26 MAYO 1632. INORDINAHAN BILANG PARING HESWITA SA DIYOSESIS NG CEBU AT AGAD NA ITINALAGA BILANG MISYONERO SA BORONGAN, PROVINCIA DE IBABAO (NGAYO’Y BAHAGI NG EASTERN SAMAR), 1634. NAGING MISYONERO SA SAMAR, LEYTE, BOHOL, PANAY, CEBU, AT MAYNILA, KINILALA BILANG “GRAN DEFENSOR DE LOS INDIOS.” NAKAPAGSULAT NG IBA’T IBANG AKDA HINGGIL SA PAGPAPALAGANAP NG KRISTIYANISMO, KULTURA, SINAUNANG KASAYSAYAN, AT MGA HAYOP AT HALAMAN SA VISAYAS; PINAKATANYAG NA RITO ANG HISTORIA DE LAS ISLAS E INDIOS DE BISAYAS NA ANG IMPORMASYON AY SINIMULANG LIKUMIN HABANG NASA MISYON SA BORONGAN, 1634; ISINULAT HABANG NASA RESIDENSYA NG MGA HESWITA SA PALAPAG, IBABAO (NGAYO’Y BAHAGI NG NORTHERN SAMAR), 1667; AT TINAPOS SA RESIDENSYA NG MGA HESWITA SA CATBALOGAN, SAMAR, 1668. YUMAO, SAN MIGUEL, MAYNILA, 30 HULYO 1674.

HINAWI ANG TABING NG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO BILANG PAGGUNITA SA KANIYANG IKA-350 ANIBERSARYO NG PAGYAO.

No comments:

Post a Comment