Simbahan ng United Church of Manila

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

Location: 2006 CM Recto. Avenue cor. SH Loyola Street, Quiapo, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 21 July 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG UNITED CHURCH OF MANILA

ITINATAG SA POOK NA ITO ANG UNITED CHURCH OF MANILA MULA SA PAGSASAMA NG ILANG KASAPI NG UNITED BRETHREN STUDENT CHURCH, BAPTISTS AT CONGREGATIONALISTS, 1924. ANG GUSALI NA UNANG NAGSILBING  KONSULADO NG HAPON AY ISINAAYOS UPANG GAMITIN BILANG SIMBAHAN SA PAMAMAHALA NI OBISPO ENRIQUE C. SOBREPEÑA, 1926. IDINAGDAG ANG KONKRETONG ISTRUKTURANG NEO-GOTIKO SA HARAPAN, 1930. NAGING POOK PANGPULUNGAN AT PANANAMPALATAYA NG MGA PILING PERSONALIDAD GAYA NINA GREGORIO AGLIPAY, FRANK LAUBACH, JOSE ABAD SANTOS, CAMILO OSIAS, RAFAEL PALMA. BILANG BAHAGI NG LAYUNIN NG IMPERYONG HAPON NA MAKAPAGTATAG NG UNYON NG MGA MANANAMPALATAYA, ITINATAG DITO ANG FEDERATION OF EVANGELICAL CHURCHES IN THE PHILIPPINES (FECP) NA NILAHUKAN NG 200 DELEGADO, 10 OKTUBRE 1942. NAKALIGTAS MULA SA PINSALA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. IDINAGDAG ANG SANTUWARYO, 1949. DUMAAN SA MARAMING PAGSASAAYOS KABILANG ANG PAGGIBA SA GITNANG BAHAGI NG LUMANG GUSALI, PAGTATAYO NG MAS MALAKING BULWAGAN AT PAGDAGDAG NG HIWALAY NA CHILDREN’S CHAPEL SA LIKURAN, DEKADA 1960-70. KABILANG SA MGA NAUNANG EKUMENIKONG SIMBAHAN NA NAGSUMIKAP PAGBUKLURIN ANG IBA’T IBANG DENOMINASYONG PROTESTANTE SA PILIPINAS.

No comments:

Post a Comment