Kota Marawi

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

Location: City Gymnasium, Marawi City Hall, Marawi City, Lanao del Sur
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 18 August 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KOTA MARAWI

ITINATAG SA HILAGANG BAHAGI NG LAWA NG LANAO NA NAPAPALIGIRAN NG MGA LANTAKA SA ILALIM NI DATO AKADIR AKOBAR (AMAI PAKPAK) TINANGKANG KUBKUBIN NG HUKBO NI GOB. HEN. VALERIANO WEYLER, 1891. NA NABAWI AT PINATATAG PA NI AMAI PAKPAK. MULING NILUSOB NG HUKBO NI GOB. HEN. RAMON BLANCO GAMIT ANG APAT NA MGA BANGKANG KANYONERO NA DINALA SA LAWA NG LANAO AT MAHIGIT NA 5000 SUNDALO. 1895. NAMATAY SA LABANAN ANG MARAMING MANDIRIGMA SA MAGKABILANG PANIG KASAMA SI AMAI PAKPAK 10 MARSO 1895. NAGING KAMPO NG MGA ESPANYOL HANGGANG 1898. NAGING KAMPO NG MGA AMERIKANO MATAPOS MALATAGAN ANG KALSADA MULA ILIGAN AT MAKIPAGKAIBIGAN SA MGA MARANAO. 1903. NAGING CAMP KEITHLEY SA ALAALA NI CORPORAL GUY FURNANDO KEITHLEY AT PINALAWIG HANGGANG DANSALAN. 1905. SINAKOP NG MGA HAPON. 1942-1945. IDINEKLARA BILANG MILITARY RESERVATION. 1953. NAGING CAMP AMAI PAKPAK. 1982. IGINAWAD ANG BAHAGI NG LUPAIN NG KAMPO PARA SA MGA GUSALI NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG MARAWI. 1991.

No comments:

Post a Comment