Simbahan ng Polo

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

Location: Marcelo H. Del Pilar Street, Poblacion, Polo, Valenzuela
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 12 November 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG POLO

DATING BAHAGI NG VISITA NG CATANGALAN NA NOON AY SAKOP NG BAYAN NG MEYCAUAYAN, BULACAN. ITINATAG NG MGA PRANSISKANO ANG PAROKYA SA PATRONATO NI SAN DIEGO DE ALCALA AT ITINALAGA BILANG KURA-PAROKO SI PADRE JUAN TARANCON, O.F.M., 1623. ITINAYO ANG UNANG SIMBAHANG YARI SA BATO NI PADRE JOSE VALENCIA, O.F.M. KATUWANG ANG GOBERNADORCILLO NA SI JUAN TIBAY, 1629-1632. IPINAAYOS ANG SIMBAHAN AT ANG KUMBENTO NI PADRE VICENTE DE LA PUEBLA, O.F.M., 1852. PINAGAWAN NG MGA BAGONG KAMPANA NI PADRE JOSE GOMEZ DE HUERCE, O.F.M. LUBHANG NAPINSALA NG MGA LINDOL NG HUNYO 1863. AT HULYO 1880. MULING IPINAAYOS NI PADRE PEDRO ALCANTARA FLORES, O.F.M., 1886. NAWASAK NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, PEBRERO 1945. IPINATAYO ANG BAGONG SIMBAHAN NI PADRE PRUDENCIO AGUINALDO, 1946-1951.

SA SIMBAHANG ITO BININYAGAN SI PIO VALENZUELA, 12 HULYO 1869; DITO RIN IDINAOS ANG MISA NG KANYANG PAGLILIBING, 8 ABRIL 1956.  

No comments:

Post a Comment