Bahay ni Don Mariano Balsamo Hamoy

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

Location: 143 Mi Retiro St. Banonong Dapitan City Zamboanga del Norte
Category: Buildings/Structures
Type: House
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 14 October 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BAHAY NI DON MARIANO BALSOMO HAMOY 

NAGING TAHANAN NG MAG-ASAWANG DON MARIANO BALSOMO HAMOY AT DOÑA PILAR ACAYLAR SAGARIO, 1893. MADALAS DUMALAW RITO SI DR. JOSE RIZAL KAY DON MARIANO NOONG PANAHON NA IPATAPON SIYA SA DAPITAN NG PAMAHALAANG ESPAÑOL. LIGTAS NA NAILUWAL DITO NI DOÑA PILAR ANG PANGANAY NILAANG ANAK NA SI PABLO BATAY SA KAALAMAN AT PAGSASANAY NI RIZAL, 1894. GINAWANG IMBAKAN NG ABAKA ANG SILONG NG MAGKAIBIGAN AT MAGKASOSYONG SINA HAMOY AT RIZAL SA KALAKALAN NG ABAKA. NANATILING TAPAT NA KAIBIGAN NI RIZAL SI HAMOY SA KABILA NG PANGGIGIPIT NG MGA ESPAÑOL. NAMALAGI ANG BAHAY SA PANGANGALAGA NG PAMILYANG HAMOY HANGGANG SA KASALUKUYAN. ISINAAYOS, 2020-2022. BINUKSAN BILANG MUSEO BALAY HAMOY, 2022. ISA SA MGA NALALABI AT NATATANGING LUMANG BAHAY SA LUNGSOD NG DAPITAN.

No comments:

Post a Comment