NHCP Photo Collection, 2024 |
NHCP Photo Collection, 2024 |
NHCP Photo Collection, 2024 |
Location: Girl Scouts of the Philippines (GSP) National Headquarters in Padre Faura St., Ermita, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 20 September 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
JOSEFA LLANES ESCODA
MARTIR AT TAGAPAGTAGUYOD NG MGA KARAPATANG PANGKABABAIHAN. IPINANGANAK SA DINGRAS, ILOCOS NORTE, 20 SETYEMBRE 1898. NAGTAPOS SA PHILIPPINE NORMAL SCHOOL, NGAYO'Y PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY, 1918. GINAWARAN NG KATIBAYAN NG PAGTUTURO SA ANTAS SEKONDARYA SA UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, 1922. ISA SA MGA NAGSULONG UPANG MAISABATAS ANG PAGBOTO NG MGA KABABAIHAN SA PILIPINAS, 1937. SINIMULAN ANG GIRL SCOUTS OF THE PHILIPPINES, 1939. BAGO ITO MAISABATAS SA PAMAMAGITAN NG COMMONWEALTH ACT NO. 542, 26 MAYO 1940. NAGING PANGULO NG FEDERATION OF WOMEN'S CLUBS OF THE PHILIPPINES, 1941-1944. DINAKIP NG MGA HAPON AT IPINIIT SA KUTA NG SANTIAGO, 27 AGOSTO 1944. HULING NAKITANG BUHAY SA FAR EASTERN UNIVERSITY, 6 ENERO 1945. IPINAGPALAGAY NA PINASLANG SA ISANG LIBINGANG WALANG PALATANDAAN SA SEMENTERYO NG LA LOMA, MAYNILA. GINAWARAN NG PHILIPPINE LEGION OF HONOR, 1954 (POSTHUMO), INILAGAY ANG KANYANG LARAWAN SA HARAP NG SANLIBONG PISO KASAMA ANG IBANG MGA BAYANING MARTIR NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, 1991.
No comments:
Post a Comment