Ambayuan (Bayyo) - Landas ng Pagkabansang Pilipino, 1899

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Barangay Bayyo, Bontoc, Mountain Province 
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 6 May 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
AMBAYUAN (BAYYO)
LANDAS NG PAGKABANSANG PILIPINO, 1899

SA PAMAYANANG ITO, NGAYO'Y BARANGAY BAYYO NG BONTOC, MOUNTAIN PROVINCE, DUMAAN SI EMILIO AGUINALDO, PANGULO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, AT ANG KANIYANG HUKBO HABANG IPINAGTATANGGOL ANG KALAYAAN AT PAGKABANSA NG MGA PILIPINO. UNA SILANG DUMAAN DITO PAAKYAT NG BUNDOK POLIS PATUNGO SA BANAUE, IFUGAO, 6 DISYEMBRE 1899. BUMALIK DITO AT NABALITAAN NA ANG AMERIKANO NA TUMUTUGIS SA KANILA AY NASA KABISERA NA NG BONTOC, 22 DISYEMBRE 1899. MATAPOS IWAN ANG MGA KAPAMILYA SA TALUBIN UPANG BUMALIK SA MAYNILA, MULI SILANG DUMAAN DITO AT UMAKYAT SA BUNDOK POLIS UPANG TULUYAN NANG LISANIN ANG BONTOC PATUNGO SA BANAUE, 24 DISYEMBRE 1899.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-125 ANIBERSARYO NG KALAYAAN AT PAGKABANSANG PILIPINO, 12 HUNYO 2023 – 23 MARSO 2026.