Fort San Felipe*

NHCP Photo Collection

Location: Cavite City, Cavite (Region IV-A)
Category: Buildings/Structures
Type: Fortification
Status: Level I- National Historical Site
Legal basis: Resolution No. 6, s. 1995
Marker date: February 10, 1978
Installed by National Historical Institute (NHI)
Marker text:
KUTA NG SAN FELIPE NERI

ISANG KUWADRADONG KUTA NA MAY APAT NA BASTIYON AT MALAWAK NA LIWASAN, ITO ANG UNANG KUTANG ITINAYO SA DAUNGAN NG KABITE SA PAGITAN NG 1609 AT 1616 NOONG KAPANAHUNAN NI GOB. JUAN DE SILUA. NOONG AGOSTO 1663 SI GOB. SABINIANO MANRIQUE DE LARA AY NAGPATAYO NG ISANG PLATAPORMA SA TARANGKAHAN NG KASTILYO PAKA PAGLAGYAN NG SAMPUNG KANYON. PAGKARAAN APAT PANG PLATAPORMA ANG ITINAYO AT HALOS LAHAT AY PINANGALANAN NA KASUNOD SA MGA SANTO. SA LAYUNING PANGKALIGTASAN APAT NA SIMBAHAN -- ANG SAN FRANCISCO, SANTO DOMIGO, KAPISANAN NI HESUS, AT SAN NICOLAS -- ANG GINIBA.

NOONG AGOSTO 14,1782 ISANG MALAKAS NA BAGYO ANG NAGWASAK SA HALOS BUONG PADER NA MULING IPINATAYO NOONG MARSO 22, 1819 SA PAMAMAHALA NG GOBERNADOR POLITIKO-MILITAR NG LALAWIGAN.

ANG KUTA AY SINAKOP NG ISANG PANGKAT NA NAG-ALSA SA PAMUMUNO NI SARHENTO FRANCISCO LA MADRID NOONG GABI NG ENERO 20, 1872. BUNGA NG PAG-AALSANG ITO ANG PAGBITAY SA PAMAMAGITAN NG GAROTE SA TATLONG PARING SINA JOSE BURGOS, JACINTO ZAMORA AT MARIANO GOMEZ.

ITINATAG ANG IKA-16 NA DISTRITO NG HUKBONG DAGAT SA KUTA NG SAN FELIPE NOONG KALAGITNAAN NG 1941. ANG KUTA RING ITO ANG NAGSILBING HIMPILAN NG SANDATAHANG LAKAS NG HAPON PAGKARAANG MASAKOP ANG KABITE NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG.

No comments:

Post a Comment