Labanan sa Imus*



Location: Cuartel of Imus, Imus, Cavite (Region IV-A)
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: 
Level I- National Historical Landmark
Legal basis: Resolution No. 6, S. 2007
Marker date: September 3, 2006
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker Text:
LABANAN SA IMUS

SINALAKAY NG PUWERSA NINA HEN. EMILIO AGUINALDO AT KOR. JOSE TAGLE ANG MGA PRAYLE AT GUARDIA CIVIL NA NANGANLONG SA CASA HACIENDA, 1, SETYEMBRE 1896. SAMANTALANG NAKIKIPAGLABAN SA BACOOR SI HEN. AGUINALDO AT KANYANG MGA TAUHAN, MULING SINALAKAY NG MGA REBOLUSYONARYONG PINAMUMUNUAN NI KOR. TAGLE ANG CASA HACIENDA, 2 SETYEMBRE 1896. NAGAPI ANG KARAGDAGANG PUWERSANG ESPANYOL NA PINAMUMUNUAN NI HEN. ERNESTO DE AGUIRRE, 3 SETYEMBRE 1896. SA LABANANG ITO NAHULOG ANG SABLE DE MANDO NI HEN. DE AGUIRRE NA NAKUHA NG MGA REBOLUSYONARYO. NAGSILBING INSPIRASYON ANG TAGUMPAY NA ITO SA MGA REBOLUSYONARYO SA PAKIKIPAGLABAN PARA SA KALAYAAN.

No comments:

Post a Comment