Guho ng Simbahang Katoliko ng Dingras



Location: Dingras, Ilocos Norte (Region I)
Category: Buildings/Structures
Type: Structure, Ruins
Status: Level II - Historical marker
Marker date: March 19, 1987
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
GUHO NG SIMBAHANG KATOLICO NG DINGRAS

BAKAS NG ISANG SIMBAHANG SINIRA NG LINDOL AT APOY, 1913. MAY BUBONG NA YERO, MALAKI AT MATIBAY NA PADER. ANG SIMBAHAN NA MAY HABANG 90 HAKBANG AT LAPAD NA 20 HAKBANG, AY ISA SA PINAKAMALAKI SA PILIPINAS. NAGSIMULANG VISITA NG BATAC, GINAWANG PAROKYA NG MGA AGUSTINO AT INIALAY SA PATRONG SAN JOSE; SI PADRE BARTOLOME CONRADO ANG UNANG KURA, 1598. IBINALIK SA PAGKAVISITA, 1603; NAGING PAROKYANG MULI BILANG SENTRO NG MISYON, 1605. NASIRA NG LINDOL, 1619; MULING IPINAGAWA BAGO NASUNOG, 1838 AT NASIRA NG KIDLAT,1853. HULING IPINATAYO NI PADRE RICARDO DEZA SA PAGGAWA NG 2 POLISTAS BUHAT SA BAWAT ISA NG 58 CABECERIAS SA HALAGANG 28,649.31 PISO NG MEHIKO, SA TULONG NI ALKALDE MAYOR CAMILO MILLAN,1879-1893.

No comments:

Post a Comment