Simbahan ng Basey



NHCP Photo Collection, 2018

NHCP Photo Collection, 2018

NHCP Photo Collection, 2018

NHCP Photo Collection, 2018
Location: Basey, Samar
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1987
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG BASEY

DATING PAROKYA NG MGA HESWITA SA ILALIM NG OBISPADO NG CEBU NOONG 1591 AT NG TAHANAN NG DAGAMI NOONG 1656. IPINATAYONG MAY MATIBAY NA PUNDASYON NG MGA HESWITA AT INIALAY KAY SAN MIGUEL DE ARCHANGEL. INILIPAT SA MGA AGUSTINO, 1768, AT SA MGA PRANSISKANO, 1795; NGUNIT PINAMUSESYONAN NOONG 1804. IPINAAYOS AT IPINAGAWA ANG TORE AT KUMBENTONG BATO AT KUBALES KASAMA ANG SEMENTERYO AT KAPILYA NI PADRE DOMINGO DE MADRID, 1845, SINIRA NG BAGYO, 1880. PINALITAN ANG BUBUNGAN NG YERONG GALBANISADO NI PADRE VICENTE GUTIERREZ, 1894–1896. NAGING PUNONG HIMPILANG PANGMISYON, SENTRO NG PAGTUTURO NG “DOCTRINA CHRISTIANA”, AT KUTA—PANAHON NG KASTILA; BULWAGANG PULUNGAN AT DULAAN—NANG PANANAKOP NG HAPON; AT POOK LIKASAN—NOONG LIBERASYON.

No comments:

Post a Comment