Location: Pio Valenzuela Street cor. Gen. Cailles Street, Santa Cruz, Laguna
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: March 14, 2016
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
AGUEDA KAHABAGAN
REBOLUSYONARYO AT HENERAL NG HUKBO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS. ISINILANG SA SANTA CRUZ, LAGUNA. ISA SA MGA BABAENG LUMAHOK SA REBOLUSYON SA LAGUNA AT SA DIGMAAN LABAN SA MGA AMERIKANO. PINAMUNUAN ANG ISANG PULUTONG NG KAWAL NI BRIGADYER HENERAL SEVERINO TAIÑO, MAYO 1897. BINANSAGANG “HENERALA” DAHIL SA KANYANG GALING AT KASANAYAN SA PAMUMUNO SA ILANG MGA LABANAN SA LAGUNA, ISA NA RITO ANG SA SAN PABLO, OKTUBRE 1897. IMINUNGKAHI NI HENERAL PIO DEL PILAR KAY HENERAL EMILIO AGUINALDO NA KILALANIN BILANG HENERAL, 6 ABRIL 1899. INIHALAL SA KATUNGKULAN AT NAGING KAISA-ISANG BABAENG HENERAL SA TALAAN NG HUKBONG PILIPINO, 1899. DINAKIP NG PWERSANG AMERIKANO, ENERO 1902.
No comments:
Post a Comment