Location: Research Institute for Tropical Medicine, Alabang, Muntinlupa City
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institution
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 15 April 2004
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG ESPEDISYONG BALMIS
BINUO SA PANAHON NI HARING CARLOS IV NOONG 1 SETYEMBRE 1803. ANG ESPEDISYONG PINAMUNUAN NG DOKTOR NA SI FRANCISCO DE BALMIS ANG NAGPASIMULA NG BAKUNA LABAN SA BULUTONG SA MGA KOLONYA NG ESPANYA. NAGLAYAG ANG ESPEDISYONG BALMIS MULANG LA CORUÑA, ESPANYA NOONG 30 NOBYEMBRE 1803 AT DUMATING SA FILIPINAS KASAMA ANG DALAWAMPU’T LIMANG BATANG MEHIKANONG TAGLAY ANG BAKUNA NOONG 15 ABRIL 1805. BILANG PAGTANAW NG UTANG-NA-LOOB SA DULOT NA PANSAGIP LABAN SA SALOT NG BULUTONG, ISANG BANTAYOG NI HARING CARLOS ANG IPINATAYO AT INIHANDOG NG LUNGSOD NG MAYNILA SA INTRAMUROS NOONG 1824.
No comments:
Post a Comment