Location: MTMTC, Makati City
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: April 1, 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG GUSALI NG PUNONGHIMPILAN SA
PAGSASANAY MILITAR NG MAMAMAYAN
SA METROPOLITAN MANILA
ITINAYO NG MGA AMERIKANO SA KANILANG MGA HUKBO, ANG GUSALING ITO ANG PUNONGHIMPILAN NG DEPARTAMENTO NG PILIPINAS, HUKBO NG ESTADOS UNIDOS SA PAMUMUNO NI HEN. DOUGLAS MACARTHUR, 1928-1930. NASA ILALIM NG DEPARTAMENTONG ITO ANG 45TH AT 57TH PHILIPPINE SCOUTS, 31ST INFANTRY, HARBOR DEFENSE FORCES OF MANILA AT ANG 26TH CAVALRY SA KUTA STOTSENBERG, PAMPANGA. KILALANG MGA MAHAHALAGANG TAGA-PAGTANGGOL NG PILIPINAS NOONG PANAHON NG PANANAKOP NG MGA HAPONES. SA PAGHIHIWALAY NG HUKBONG KATIHAN NG PILIPINAS SA PAMAMAHALA NG PINUNO NG SLP, ITO'Y NAGING PUNONGHIMPILAN NG HKP NOONG 1957 AT NG PHILIPPINE DEFENSE FORCES KASAMA ANG EASTERN REGION FIELD FORCES NG SOUTH¬EAST ASIA TREATY ORGANIZATION, 1968-1970. GINAMIT BILANG PUNONGHIMPILAN NG PAGSASANAY MILITAR NG MAMAMAYAN SA METROPOLITAN MANILA SIMULA NOONG 1976.
No comments:
Post a Comment