Location: Samonte Park, Judge Ibañez Street, San Roque, Cavite City, Cavite
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 12 June 1972
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
ANG PAG-AAKLAS SA KABITE NG
1872
SA LUNGSOD NA ITO, NOONG IKA-20 NG ENERO 1872, NAG-AKLAS ANG MGA 200 PILIPINO, SA PAMUMUNO NI SARMENTO LA MADRID, BILANG PAGTUTOL SA PAGPAPAIRAL SA KANILA NG PAGBABAYAD NG BUWIS AT SA PAGPUWING SA KANILANG KARAPATANG MATALIWAS SA SAPILITANG PAGLILINGKOD. BUNGA NG PAG-AAKLAS AY ANG PAGPAPARAKIP, PAGLILITIS, AT PAGBITAY SA MGA PARING JOSE BURGOS, JACINTO ZAMORA, AT MARIANO GOMEZ NOONG IKA-17 NG PEBRERO 1872, SA BAGUMBAYAN, NGAYO’Y RIZAL PARK, MAYNILA.
No comments:
Post a Comment