Ang Simbahan ng Maragondon

Location: Maragondon Church, Maragondon, Cavite
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2007
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG SIMBAHAN NG MARAGONDON

IPINATAYO NG MGA PARING HESWITA SA PATRONATO NG NUESTRA SEÑORA DE LA ASUNCION, 1618. NAGING SIMBAHANG PAROKYAL, 1627. IPINATAYO AT IPINALAKI ANG BAGONG SIMBAHAN, 1630–1633. IPINAGIBA UPANG IWASANG MAGING KUTA NG MGA OLANDES, 1646–1649. MULING IPINATAYO NA GAWA SA KAHOY, 1650. INAYOS ANG KUMBENTO, 1666–1672. GINAWA SA BATO, 1714. INILIPAT SA PANGANGASIWA NG MGA PARING SEKULAR, 1768, AT NG MGA REKOLETOS, 1860. GINAMIT NA TANGGULAN NG MGA REBOLUSYONARYO NANG GAWING PUNONG HIMPILAN ANG MARAGONDON NG MGA PUWERSA NI HEN. EMILIO AGUINALDO, MAYO 1897. MULING PINANGASIWAAN NG MGA PARING SEKULAR NOONG IKADALAWAMPUNG DANTAON. NATATANGING HALIMBAWA NG DISENYO AT ARKITEKTURANG KOLONYAL. IPINAHAYAG NA PAMBANSANG YAMANG PANGKALINANGAN NG PAMBANSANG MUSEO, 31 HULYO 2001.

No comments:

Post a Comment