Location: 327 College Road, Pasay City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 24 November 1986
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
EDUARDO A. QUISUMBING
(1895–1986)
TAKSONOMISTA, ORKIDOLOHISTA, AKADEMISTA AT EDUKADOR. IPINANGANAK SA STA. CRUZ, LAGUNA, NOBYEMBRE 24, 1895. NAGKAMIT NG MGA TITULONG BATSILYER SA AGRIKULTURA, U.P. LOS BAÑOS 1918, M.S., 1921, AT PH.D., 1923, PAWANG MAGNA CUM LAUDE, UNIVERSIDAD NG CHICAGO. KAMAY-AKDA NI DR. ELMER D. MERRILL SA MGA LATHALA TUNGKOL SA MGA HALAMAN SA PILIPINAS AT NI PROP. OAKES AMES SA “NEW OR NOTEWORTHY PHILIPPINE ORCHIDS,” (1931–1936) AT SA “NAMING OF ORCHIDS,” 1970. AWTOR NG MEDICINAL PLANTS IN THE PHILIPPINES, 1970. PUNO, DIBISYON NG BOTANIKA, KAWANIHAN NG SIYENSIYA, 1933, AT MUSEO NG KASAYSAYAN PANGKALIKASAN, 1940–1945, AT UNANG DIREKTOR NG PAMBANSANG MUSEO, 1947–1962. PROPESOR NG BOTANIKA, U.P., U.S.T. AT U.E. AT PUNO RIN NG HORTIKULTURA, ARANETA UNIVERSITY. TANGING ASIATIKONG NAGKAMIT NG “MIDALYANG GINTO” NG AMERICAN ORCHID SOCIETY, 1969. OPISYAL NA KINATAWAN SA IBAT-IBANG KONGRESONG PANDAIGDIG. TUMANGGAP NG GAWAD NA PAMBANSANG SIYENTIPIKO, 1980. NAMATAY SA QUEZON CITY, AGOSTO 23, 1986.
No comments:
Post a Comment