Ambrosio Rianzares Bautista (1830-1903)

Location: Biñan, Laguna
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1980
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
AMBROSIO RIANZARES BAUTISTA
(1830-1903)

UNANG TAGAPAYO NI HENERAL EMILIO AGUINALDO NOONG 1898. MAY-AKDA NG PAGPAPAHAYAG NG KALAYAAN NG PILIPINAS (IKA-12 NG HUNYO 1898), AT MASAGISAG NA MAKABAYAN AT TAGPAGPALAGANAP. SIYA AY IPINANGANAK SA BIÑAN, LAGUNA NOONG IKA-7 DISYEMBRE 1830 KINA GREGORIO ENRIQUEZ BAUTISTA AT SILVESTRA ALTAMIRA. NAGTAPOS SIYA NG PANIMULANG PAG-AARAL SA BIÑAN AT NG PAG-AARAL SA BATAS SA PAMANTASAN NG SANTO TOMAS NOONG 1865.

NAGSANAY SIYA SA PAGKAMANANANGGOL SA MAYNILA AT NAGING KILALA SA PAGKAKALOOB NG WALANG BAYAD NA PAGLILINGKOD SA MAHIHIRAP NA MAY USAPIN. ISANG MASIGASIG NA KAGAWAD NG LA LIGA FILIPINA, CUERPO DE COMPROMISARIOS, AT LA PROPAGANDA. SIYA AY DINAKIP NG MGA MAYKAPANGYARIHANG KASTILA AT IPINIIT SA KUTANG SANTIAGO NANG MAGSIKLAB ANG HIMAGSIKAN NOONG 1896. SIYA AY PINALAYA PAGKARAANG IPAGTANGGOL NIYA NANG BUONG NINGNING ANG KANYANG SARILI.

SIYA AY INIHALAL NA IKALAWANG PANGULO NG KONGRESONG PANGHIMAGSIKAN SA TARKAL NOONG IKA-14 NG HULYO 1899. ITINALAGA SIYA BILANG HUKOM NG HUKUMANG UNANG DULUGAN SA PANGASINAN. SIYA AY NAMATAY SA MAYNILA NOONG IKA-4 NG DISYEMBRE 1903.

No comments:

Post a Comment