Location: Santa Teresita, Batangas
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 17 May 2000
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PINAGTAYUAN NG UNANG SIMBAHAN NG BAUAN
UNANG ITINATAG NG MGA PARING AGUSTINO SA POOK NA ITO, NA TINAWAG NA LUMANG BAUAN (NGAYO'Y SAKOP NG BAYAN NG SANTA TERESITA) BILANG BISITA NG TAAL, MARSO 17, 1590. NAGING ISANG NAGSASARILING PAROKYA, MAYO 12, 1596. PAGKARAAN, ISANG SIMBAHAN AT KUMBENTONG YARI SA BATO ANG IPINATAYO. ANG POOK NA ITO AY MADALAS BAHAIN DAHIL SA PAGTAAS NG TUBIG SA LAWA NG BOMBON. NANG DAKONG HULI, ITO AY NILISAN AT ANG SIMBAHAN AY INILIPAT SA POOK NA TINAWAG NA MONTE DE DURUNGAO, 1662; PAGKARAAN, SA LONAL, 1671; AT SA KASALUKUYANG KINATATAYUAN NITO SA TOLOSAN, 1692.
No comments:
Post a Comment