Simbahan ng San Pablo

Location: San Pablo, Laguna
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1957
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
SIMBAHAN NG SAN PABLO 

ITINAYO NG MGA PARING AGUSTINO AT INIHANDOG SA POONG SAN PABLO, ERMITANYO. NAPASAILALIM NG PANGANGASIWA NG MGA PARING PRANSISKANO, 1694-1912; FRAY ANDRES CABRERA, UNANG PAROKO, PINALIGIRAN NG PADER ANG SIMBAHAN AT KUMBENTO NOONG 1796, SAMANTALANG ANG KRUSADA NG SIMBAHAN AY ITINAYO SA MAGKASUNOD NA PANGANGASIWA NG MGA PARING EUGENIO GARCIA, FRANCSICO CAVERO AT SANTIAGO BRAVO, 1912. NAGING SEMINARIO MENOR NG SAN FRANCISCO DE SALES, 1912-1918, SA PANGANGASIWA NG MGA PARING PAULES. NAWASAK ANG SIMBAHAN AT KUMBENTO NOONG 1945, PANAHON NG DIGMAAN. MULING ITINATAG ANG SIMBAHAN SA PANGANGASIWA NI P. JUAN CORONEL AT IPINATAPOS NG KASALUKUYANG PAROKONG SI P. NICOMEDES ROSAL SA TULONG NG MGA TAONG BAYAN.   

No comments:

Post a Comment