Santuario ng Nuestra Señora de Casaysay*

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

Location: Caysasay, Taal, Batangas
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level I - National Historical Landmark
Legal basis: NHCP Resolution No. 12 s. 2024
Marker date: 20 June 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SANTUARIO NG NUESTRA SEÑORA DE CASAYSAY

ITINAYO ANG UNANG SIMBAHANG GAWA SA NIPA AT KAWAYAN BILANG PAGPUPUGAY SA PINANINIWALAANG MILAGROSANG IMAHE NG INMACULADA CONCEPCION NA NALAMBAT SA ILOG NG PANSIPIT NOONG 1603 NA KINALAUNAN AY KINILALANG NUESTRA SEÑORA DE CAYSASAY, 1611. SINIMULANG IPATAYO SA KASALUKUYANG POOK NG MGA AGUSTINO ANG SIMBAHANG YARI SA KORALES SA ILALIM NG PATRONATO NG MILAGROSANG IMAHE NA NOON AY TINAGURIANG NUESTRA SEÑORA DE LA MISERICORDIA, 1639. PINALITAN NG PIEDRA CHINA ANG MATAAS NA HAGDANAN NA NAGDUDUGTONG SA SIMBAHAN PATUNGONG POBLACION NG TAAL SA ILALIM NI PADRE CELESTINO MAYORDOMO O.S.A., 1850. NAGSILBING KANLUNGAN NG MGA NAGSILIKAS NANG PUMUTOK ANG BULKANG TAAL; NASIRA ANG BUBONG, 1754. MULING ISINAAYOS MATAPOS YANIGIN NG LINDOL, 1856. NAWASAK SA MULING PAGPUTOK NG BULKAN, 1911. ITINANGHAL NA DAMBANA NG ARKIDIYOSESIS NG LIPA, 2004. IPINAHAYAG NA PAMBANSANG YAMANG PANGKALINANGAN, 2020 AT PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN, 2024. ISINAAYOS NG PAMBANSANG MUSEO NG PILIPINAS, 2024.

No comments:

Post a Comment