NHCP Photo Collection, 2024 |
NHCP Photo Collection, 2024 |
NHCP Photo Collection, 2024 |
Location: Bayambang, Pangasinan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 13 November 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BAYAMBANG
LANDAS NG PAGKABANSANG PILIPINO, 1899
DITO LUMAGI SI HENERAL EMILIO AGUINALDO, PANGULO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, AT ANG KANIYANG PAMILYA, MGA OPISYAL, AT HUKBO HABANG IPINAGTATANGGOL ANG KALAYAAN AT PAGKABANSA NG MGA PILIPINO, 7-13 NOBYEMBRE 1899. SA BAKURAN NG SIMBAHAN NG BAYAMBANG INILIBING NI AGUINALDO ANG YUMAO NIYANG ANAK NA SI FLORA VICTORIA, 10 NOBYEMBRE 1899. DITO IPINAGPATULOY ANG PAMAHALAANG PAMBANSA MULA TARLAC, TARLAC AT IPINASYA NA LABANAN ANG MGA AMERIKANO SA PARAANG GERILYA, 12 NOBYEMBRE 1899. NILISAN PARA TUMUNGO SA CALASIAO, PANGASINAN, 13 NOBYEMBRE 1899.
ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNIT SA IKA-125 ANIBERSARYO NG KALAYAAN AT PAGKABANSANG PILIPINO, 12 HUNYO 2023-13 MARSO 2026.
No comments:
Post a Comment