NHCP Photo Collection, 2024 |
NHCP Photo Collection, 2024 |
Location: University of the Philippines, Diliman, Quezon City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 13 December 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
RAFAEL PALMA
(1874-1939)
MANUNULAT, MANANALAYSAY, EDUKADOR, ISKOLAR, ESTADISTA, AT MAKABAYAN. ISINILANG SA TONDO, MAYNILA, 24 OKTUBRE 1874. NAGING MANUNULAT AT PUMALIT KAY HENERAL ANTONIO LUNA BILANG DIREKTOR NG PAHAYAGANG “LA INDEPENDENCIA” KASAMA ANG KANYANG KAPATID NA SI JOSE PALMA, ANG SUMULAT NG “FILIPINAS” NA NAGING TITIK NG PAMBANSANG AWIT. NAGTAPOS NG BATSILYER EN ARTES SA ATENEO MUNICIPAL DE MANILA AT NG ABOGASYA SA UNIVERSIDAD DE SANTO TOMAS. KASAMA SINA SERGIO OSMENA AT JAIME DE VEYRA, ITINATAG ANG “EL NUEVO DIA” SA CEBU, 1900. NAGING EDITOR NG “EL RENACIMIENTO”. DELEGADO NG KABITE SA UNANG ASAMBLEA NG PILPINAS, 1907; HINIRANG NA KASAPI NG KOMISYON NG PILIPINAS, 1908; NAHALAL NA SENADOR, 1916-1922; HINIRANG NA KALIHIM-PANLOOB NI GOBERNADOR-HENERAL FRANCIS BURTON HARRISON, 1917; KASAPI SA UNANG MISYONG PANGKALAYAAN SA ESTADOS UNIDOS, 1919. PANGULO NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, 1923-1933. DELEGADO SA KUMBENSIYONG KONSTITUSYUNAL, 1934. YUMAO, 24 MAYO 1939.
No comments:
Post a Comment