Artillery Memorial







Location: Dau, Mabalacat, Pampanga (Region III)
Category: Buildings/Structures
Type: Memorial
Status: Level II - Historical marker 
Marker date: March 10, 1996
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ARTILLERY MEMORIAL

DATING KAMPO DAU, NAGING KAMPO DEL PILAR BILANG PARANGAL SA BAYANI NG PASONG TIRAD: SI HENERAL GREGORIO DEL PILAR.

TAHANAN NG "PHILIPPINE ARMY ARTILLERY TRAINING CENTER" MULA MARSO 10, 1937 HANGGANG DISYEMBRE 10, 1941. SA POOK NA ITO SINANAY ANG MGA BAGONG SAPI SA KAWAL NG ARTILERIYA NA NATALAGA SA IBA'T IBANG PANGKAT NG 137TH FA, 237TH FA, 138TH FA, 238TH FA, 139TH FA, 239TH FA, 140TH FA, 240TH FA AT 141 ST FA. NASA POOK DING ITO ANG "ARTILLERY SCHOOL FOR RESERVE COMMISSION".

ANG MAHIGPIT NA PAGSASANAY NA ISINAGAWA RITO AY NAGBUNGA NG ISANG MATAAS NA URI NG PANUNTUNAN SA DISIPLINA, ESPRIT DE CORPS, PAGMAMAHAL SA TUNGKULIN AT BANSA.

ANG ARTILERIYA RIN ANG SIYANG TUMUGON SA TAWAG NG PANGANGAILANGAN PARA IPAGTANGGOL ANG ATING INANG-BAYAN AT NAGLINGKOD NG BUONG GITING AT TAPANG SA LABANAN SA BATAAN AT CORREGIDOR. LUMABAN SA KILUSAN NG MGA PUWERSANG SALUNGAT, DIGMAAN SA KOREA AT VIETNAM, AT SA KAMPANYA SA PAGSUGPO NG INSUREKSYON.

ITO ANG PAMANA NA NAIWAN NG ARTILERIYA NG HUKBONG SANDATAHANG LAKAS NG PILIPINAS.

No comments:

Post a Comment