Location: 1221 Juan Nolasco Street, Tondo, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: December 8, 2006
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MARY JOHNSTON HOSPITAL
ITINATAG NI DR. REBECCA PARISH BILANG DISPENSARIA BETAÑA SA GUSALI NG BIBLE SCHOOL FOR WOMEN SA SANTA CRUZ, MAYNILA, 1906. NAGING PAGAMUTAN AT PAARALAN NG NURSING, 1907. SA POOK NA ITO IPINATAYO ANG UNANG GUSALI NG PAGAMUTAN MULA SA DONASYON NI DANIEL S.B. JOHNSTON AT PINANGANLANG MARY JOHNSTON HOSPITAL SA ALAALA NG KANYANG YUMAONG MISYONERONG ASAWA, 1908. MULING IPINATAYO MATAPOS MASUNOG, 1911. GINAMIT NA PAGAMUTAN NG PAMAHALAANG HAPON, 1942. NASUNONG NOONG LABANAN SA MAYNILA, 1945. PINASINAYAAN NG PANGULONG ELIPIDIO QUIRINO ANG BAGONG GUSALI, 1950. DITO BINUKSAN ANG UNANG KLINIKA NG ISTERILISASYON SA BANSA, 1975. TUMANGGAP NG GAWAD APOLINARIO MABINI SA KATEGORYANG REHABILITATION VOLUNTEER GROUP MULA SA PHILIPPINE FOUNDATION FOR THE REHABILITATION OF DISABLED, 1987. GINAWARAN NG PLAKE NG PAGKILALA NG KAGAWARAN NG KALUSUGAN AT NG NATIONAL INSTITUTES OF HEALTH BILANG OUTSTANDING NEWBORN SCREENING FACILITY AND EXEMPLARY NEWBORN SCREENING FACILITY SA KATEGORYANG PRIVATE TERTIARY HOSPITAL, OKTUBRE 2005.
No comments:
Post a Comment