Showing posts with label Manila. Show all posts
Showing posts with label Manila. Show all posts

Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas

NHCP Photo Collection, 2026

NHCP Photo Collection, 2026

NHCP Photo Collection, 2026

Location: Padre Faura Street, Ermita, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Government Building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 5 June 2026
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KATAAS-TAASANG HUKUMAN NG PILIPINAS

ITINATAG SA BISA NG ACT NO. 136 NG KOMISYONG TAFT, 11 HUNYO 1901 MATAPOS MAISAWALANG BISA ANG AUDIENCIA TERRITORIAL DE MANILA NA ITINATAG NOONG 1583. ITINALAGA SI CAYETANO S. ARELLANO BILANG UNANG PUNONG HUKOM, 15 HUNYO 1901. GINAMIT NA TANGGAPAN ANG GUSALI NG AUDIENCIA SA INTRAMUROS, 1901. HIGIT NA PINAGTIBAY BILANG PINAKAMATAAS NA HUKUMAN SA KAPULUAN NG PILIPINAS MATAPOS LAGDAAN ANG ADMINISTRATIVE CODE OF THE PHILIPPINES, 10 MARSO 1917. INILIPAT ANG TANGGAPAN SA GUSALI NG AYUNTAMIENTO SA INTRAMUROS, 1938-1945. NAGPATULOY ANG MGA SESYON NG HUKUMAN NOONG PANANAKOP NG MGA HAPON. PANSAMANTALANG GINAMIT ANG GUSALI NG KOMISYON SA BADYET (NGAYO’Y BULWAGANG MABINI) SA MALAKANYANG NANG MAWASAK ANG AYUNTAMIENTO NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, 1945. LUMIPAT SA BULWAGANG VILLAMOR SA UNIBERSIDAD NG PILIPINAS SA MAYNILA, DEKADA 1950. SUMAILALIM SA REORGANISASYON MATAPOS ANG MAPAYAPANG PAG-AALSA NG TAUMBAYAN SA EDSA, 1986. GINAMIT ANG DATING GUSALI NG AKLATAN NG NATURANG PAMANTASAN BILANG PUNONG TANGGAPAN NG KORTE SUPREMA, 1991.

Manila Bulletin

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

Location: Manila Bulletin Building, Muralla corner Recoletos Streets, Intramuros, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 23 October 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
MANILA BULLETIN

UNANG INILIMBAG BILANG DAILY BULLETIN NI CARSON C. TAYLOR UPANG MAGING LIBRENG SANGGUNIAN NG MGA IMPORMASYONG PANG-KALAKALAN AT INIMPRENTA NG PAHAYAGANG EL PROGRESO SA KALYE CARRIEDO, 2 PEBRERO 1900. LUMIPAT SA KALYE EVANGELISTA SA QUIAPO, 1901. NAGING TUON ANG MGA PAKSANG PANG-EKONOMIKO, 1904. NAGING KORPORASYON BILANG BULLETIN PUBLISHING COMPANY, 1912. NAKILALA SA PAGBABALITA SA MGA KATIWALIAN NG ILANG AHENSIYA NG PAMAHALAAN NOONG DEKADA ’30. PATULOY NA NAGLIMBAG NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG HANGGANG SA IPASARA NG MGA HAPON, 1942. MATAPOS MASIRA ANG GUSALI NOONG DIGMAAN, LUMIPAT AT NAGBALIK SIRKULASYON SA KALYE FLORENTINO TORRES, 1946. LUMIPAT SA GUSALING SHURDUT SA INTRAMUROS, 1956. IPINAGBILI SA MENZI AND CO. AT SUMAILALIM SA MGA PAGBABAGO, 1957. NAGSIMULANG MAGLIMBAG NG SUNDAY EDITION, 1965; AT NG PANORAMA MAGAZINE, 1968. IPINASARA MATAPOS ANG PROKLAMASYON NG BATAS MILITAR, 23 SETYEMBER 1972. LUMIPAT SA BAGONG TANGGAPAN NITO SA KASALUKUYANG GUSALI SA INTRAMUROS NA DATING KINATATAYUAN NG SIMBAHAN NG MGA AGUSTINO REKOLETO, 1977. PINAMUNUAN NI EMILIO YAP, 1984. IBINALIK SA DATING PANGALANG MANILA BULLETIN, 12 MARSO 1986. ISA SA PINAKAMATANDANG PAHAYAGAN SA PILIPINAS.

Pambansang Museo Ng Pilipinas



NHCP Photo Collection, 2025

Location: Lapu Lapu Monument, Maria Orosa Street, NM Complex, Ermita, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 18 May 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PAMBANSANG MUSEO NG PILIPINAS

ANG DIWA NG PAMBANSANG MUSEO AY NAGSIMULA NANG ITATAG ANG MUSEO BIBLIOTHECA DE FILIPINAS SA BISA NG ISANG REAL NA DECRETO NI REYNA MARIA CRISTINA NG ESPANYA, 12 AGOSTO 1887. PINASINAYAAN, 24 OKTUBRE 1891. UNANG NAGBUKAS SA CALLE GUNAO, QUIAPO, MAYNILA AT KALAUNA'Y LUMIPAT SA CASA DE MONEDA, INTRAMUROS, MAYNILA. ITINULOY NG PAMAHALAANG INSULAR NG ESTADOS UNIDOS SA PILIPINAS ANG PAGTATAG NG PAMBANSANG MUSEO SA PAGBUBUKAS NG INSULAR MUSEUM OF ETHNOLOGY, NATURAL HISTORY AND COMMERCE, 29 OKTUBRE 1901, AT NAKILALA SA IBA'T IBANG PANGALAN. LUBHANG NAPINSALA NOONG IKALAWANG DISGMAANG PANDAIGDIG. PINAG-IBAYO PA ANG SERBISYO SA BAYAN NG PAMBANSANG MUSEO SA BISA NG BATAS REPUBLIKA BLG. 11333, 26 ABRIL 2019. NAGSISILBING TAHANAN NG PAMANA AT PAGKATAONG PILIPINO.

Unang Bahay Sambahan Ng Unang Lokal Ng Iglesia Ni Cristo

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Punta, Santa Ana, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 28 January 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
UNANG BAHAY SAMBAHAN NG 
UNANG LOKAL NG IGLESIA NI CRISTO 

ITINAYO ANG NEO-GOTIKO NEO-KLASIKONG GUSALING SAMBAHAN NG UNANG LOKAL NG IGLESIA NI CRISTO, 1937. NAGSILBING PANGUNAHING KAPILYA HANGGANG 1993 NANG MAPASINAYAAN ANG BAGONG TAYONG KONGKRETONG BAHAY SAMBAHAN SA KALAPIT NA LOTE NA DATING HIMPILAN NG MGA MANGGAGAWA NG ATLANTIC GULF AND PACIFIC COMPANY KUNG SAAN UNANG IPINANGARAL NI FELIX Y. MANALO ANG IGLESIANG ITO. ISINAILALIM SA MGA PAGSASAAYOS BATAY SA MGA TALA NG MGA NAKATATANDANG KAANIB, 1998-2000. PINASINAYAAN NI ERAÑO G. MANALO BILANG MUSEO, 10 MAYO 2000.

Josefa Llanes Escoda

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: Girl Scouts of the Philippines (GSP) National Headquarters in Padre Faura St., Ermita, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 20 September 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
JOSEFA LLANES ESCODA

MARTIR AT TAGAPAGTAGUYOD NG MGA KARAPATANG PANGKABABAIHAN. IPINANGANAK SA DINGRAS, ILOCOS NORTE, 20 SETYEMBRE 1898. NAGTAPOS SA PHILIPPINE NORMAL SCHOOL, NGAYO'Y PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY, 1918. GINAWARAN NG KATIBAYAN NG PAGTUTURO SA ANTAS SEKONDARYA SA UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, 1922. ISA SA MGA NAGSULONG UPANG MAISABATAS ANG PAGBOTO NG MGA KABABAIHAN SA PILIPINAS, 1937. SINIMULAN ANG GIRL SCOUTS OF THE PHILIPPINES, 1939. BAGO ITO MAISABATAS SA PAMAMAGITAN NG COMMONWEALTH ACT NO. 542, 26 MAYO 1940. NAGING PANGULO NG FEDERATION OF WOMEN'S CLUBS OF THE PHILIPPINES, 1941-1944. DINAKIP NG MGA HAPON AT IPINIIT SA KUTA NG SANTIAGO, 27 AGOSTO 1944. HULING NAKITANG BUHAY SA FAR EASTERN UNIVERSITY, 6 ENERO 1945. IPINAGPALAGAY NA PINASLANG SA ISANG LIBINGANG WALANG PALATANDAAN SA SEMENTERYO NG LA LOMA, MAYNILA. GINAWARAN NG PHILIPPINE LEGION OF HONOR, 1954 (POSTHUMO), INILAGAY ANG KANYANG LARAWAN SA HARAP NG SANLIBONG PISO KASAMA ANG IBANG MGA BAYANING MARTIR NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, 1991.

Simbahan ng United Church of Manila

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

Location: 2006 CM Recto. Avenue cor. SH Loyola Street, Quiapo, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 21 July 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG UNITED CHURCH OF MANILA

ITINATAG SA POOK NA ITO ANG UNITED CHURCH OF MANILA MULA SA PAGSASAMA NG ILANG KASAPI NG UNITED BRETHREN STUDENT CHURCH, BAPTISTS AT CONGREGATIONALISTS, 1924. ANG GUSALI NA UNANG NAGSILBING  KONSULADO NG HAPON AY ISINAAYOS UPANG GAMITIN BILANG SIMBAHAN SA PAMAMAHALA NI OBISPO ENRIQUE C. SOBREPEÑA, 1926. IDINAGDAG ANG KONKRETONG ISTRUKTURANG NEO-GOTIKO SA HARAPAN, 1930. NAGING POOK PANGPULUNGAN AT PANANAMPALATAYA NG MGA PILING PERSONALIDAD GAYA NINA GREGORIO AGLIPAY, FRANK LAUBACH, JOSE ABAD SANTOS, CAMILO OSIAS, RAFAEL PALMA. BILANG BAHAGI NG LAYUNIN NG IMPERYONG HAPON NA MAKAPAGTATAG NG UNYON NG MGA MANANAMPALATAYA, ITINATAG DITO ANG FEDERATION OF EVANGELICAL CHURCHES IN THE PHILIPPINES (FECP) NA NILAHUKAN NG 200 DELEGADO, 10 OKTUBRE 1942. NAKALIGTAS MULA SA PINSALA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. IDINAGDAG ANG SANTUWARYO, 1949. DUMAAN SA MARAMING PAGSASAAYOS KABILANG ANG PAGGIBA SA GITNANG BAHAGI NG LUMANG GUSALI, PAGTATAYO NG MAS MALAKING BULWAGAN AT PAGDAGDAG NG HIWALAY NA CHILDREN’S CHAPEL SA LIKURAN, DEKADA 1960-70. KABILANG SA MGA NAUNANG EKUMENIKONG SIMBAHAN NA NAGSUMIKAP PAGBUKLURIN ANG IBA’T IBANG DENOMINASYONG PROTESTANTE SA PILIPINAS.

College of San Juan de Letran

NHCP SocMed Pubmat for National Heritage Month 2024

Location: Intramuros, Manila (Region NCR)
Category: Buildings/Structures
Type: School (Building)
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1934
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
COLLEGE OF SAN JUAN DE LETRAN

FOUNDED BY DIEGO DE SANTAMARIA, O.P., IN 1630, THIS INSTITUTION ABSORBED THE SCHOOL OF JUAN GERONIMO GUERRERO IN 1638 AND IN 1638 ABSORBED THE SCHOOL OF JUAN GERONIMO GUERRERO. REMOVED TO THE PARIAN IN 1648 AFTER DESTRUCTION BY THE EARTHQUAKE OF 1645. IT REMAINED THERE TWENTY YEARS. LOCATED ON THIS SITE SINCE 1669. TERCENTENARY SOLEMNLY CELEBRATED IN 1930.

Philippine Lawyer's Association

Location: J.P. Laurel Street, San Miguel, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 11 August 1995
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PHILIPPINE LAWYER’S ASSOCIATION 

ITINATAG SA MAYNILA NOONG 1945 UPANG PAGYAMANIN ANG PAGKAKAIBIGAN NG MGA KASAPI NITO, IPAGTANGGOL ANG DANGAL NG PROPESYONG LEGAL AT PANATILIHIN ANG ISANG MALAYANG HUDIKATURA SA LAYUNING MAGKAROON NG ISANG PAMAHALAANG PINAIIRAL NG BATAS AT HINDI NG TAO. UNANG PANGULO NITO SI DIOSDADO MACAPAGAL. PINAGKALOOBAN NG KARTA BILANG KORPORASYONG NON-STOCK NOONG 1947, TINAGGAP NA KASAPI NG INTERNATIONAL BAR ASSOCIATION, 1950. NANGUNA SA PAGTATATAG NG FEDERATION OF BAR ASSOCIATIONS OF THE PHILIPPINES, 1953; PHILIPPINE COMMISSION OF JURISTS, 1962; LAW ASSOCIATION FOR ASIA AND THE WESTERN PACIFIC, 1966; ATA NG COORDINATING COUNCIL OF NATIONAL BAR ASSOCIATIONS OF THE JUDICIARY, 1993. TUMULONG SA PANGKALAHATANG KAGALINGAN NG SAMBAYANANG PILIPINO SA PAMAMAGITAN NG PAKIKILAHOK SA MGA ISYUNG PAMBAYAN AT PAGKAKALOOB NG WALANG BAYAD NA PAGTULONG UKOL SA BATAS UPANG MATIYAK ANG PANANAGUMPAY NITO. 

Gusali ng Hongkong And Shanghai Banking Corporation


NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024


Location: Juan Luna Street, Binondo, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Office building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 27 May 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
GUSALI NG HONGKONG AND SHANGHAI BANKING CORPORATION

ITINAYO ANG KASALUKUYANG KONGKRETONG GUSALI NA MAY LIMANG PALAPAG AYON SA DISENYO NI G.H. HAYWARD AT PAMAMAHALA NI OSCAR G. CAMPBELL, 1919-1922. PINASINAYAAN SA PANGUNGUNA NG NANUNUNGKULANG GOBERNADOR HENERAL CHARLES E. YEATER UPANG MAGSILBING PUNONG HIMPILAN NG HONGKONG AND SHANGHAI BANKING CORPORATION SA PILIPINAS, 1922. INUKUPAHAN ANG IBANG MGA PALAPAG NG MGA BANYAGANG KUMPANYA TULAD NG SMITH BELL & CO. LTD. AT SUN LIFE INSURANCE OF CANADA. NASUNOG NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. ISINAAYOS, 1949-1950. NAGING TANGGAPAN NG WILLIAM H. QUASHA LAW OFFICE AT NG KONSULADO NG BRITANYA, 1946 HANGGANG DEKADA 1960. NAGING PAG-AARI NG PAMILYA SIY AT PINANGALANANG HAMILTON BUILDING MATAPOS ILIPAT NG HSBC ANG PUNONG HIMPILAN NITO SA LUNGSOD NG MAKATI, 1971. NABILI AT ISINAAYOS NG ISLAND DIAMOND CORPORATION, 2017.

Ang Pagdating ng Pan Am China Clipper sa Pilipinas

NHCP Photo Collection, 2024

Location: Manila Yacht Club, Roxas Boulevard, Malate, Manila
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 20 January 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PAGDATING NG PAN AM CHINA CLIPPER SA PILIPINAS

ANG CHINA CLIPPER, EROPLANONG PANDAGAT NG PAN AMERICAN AIRWAYS, AY LUMIPAD MULA SAN FRANCISCO, ESTADOS UNIDOS, PATUNGONG MAYNILA, 22 NOBYEMBRE 1935. NAGSILBING PILOTO SINA EDWIN MUSICK AT FRED NOONAN. TINAWID NITO ANG HIMPAPAWID NG PASIPIKO AT DUMAAN SA HONOLULU, HAWAII, SA MGA ISLA NG MIDWAY, WAKE, AT GUAM. NAKARATING SA LOOK NG MAYNILA, 29 NOBYEMBRE 1935. ANG PAGLIPAD NITO SA IBABAW NG KARAGATANG PASIPIKO AY NAGING DAAN UPANG SIMULAN ANG PAGGAMIT NG EROPLANO BILANG SASAKYANG KOMERSYAL NA NAG-UUGNAY SA PILIPINAS AT ESTADOS UNIDOS, OKTUBRE, 1936. NAKATULONG ITO SA PAGPAPABILIS NG DALOY NG PAMAMAHALA, TRANSPORTASYON, AT KOMUNIKASYON SA PAGITAN NG PILIPINAS AT ESTADOS UNIDOS.

The Manila Times

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

Location: Intramuros, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 11 October 2023
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
THE MANILA TIMES

UNANG PANG-ARAW-ARAW NA PAHAYAGANG INGLES SA PILIPINAS. ITINATAG NI THOMAS GOWAN BILANG TUGON SA KASALATAN NG MGA BABASAHIN INGLES NG MGA SUNDALONG AMERIKANO NA SUMABAK SA DIGMAANG ESPANYOL-AMERIKANO NG 1898. LUMABAS ANG UNANG BILANG, 11 OKTUBRE 1898. KABILANG SA MGA NAGING MAY-ARI AY SINA MANUEL QUEZON, 1917-1921, AT PAMILYANG ROCES, 1927-1989. NAWALA SA SIRKULASYON, 15 MARSO 1930. MULING BINUHAY BILANG THE SUNDAY TIMES, 27 MAYO 1945, AT IBINALIK SA DATING PANGALANG THE MANILA TIMES, 5 SETYEMBRE 1945. IPINASARA DAHIL SA BATAS MILITAR, 23 SETYEMBRE 1972. BUMALIK SA OPERASYON, 5 PEBRERO 1986. KABILANG SA MGA TANYAG NA MAMAMAHAYAG NITO AY SINA A.V.H. HARTENDORP, NARCISO RAMOS, ANTONIO ESCODA, CARLOS P. ROMULO, NINOY AQUINO, AT MARIA KALAW-KATIGBAK.

Bank of the Philippine Islands

Location: Binondo, Manila
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 21 January 1937
Installed by: Historical Research and Markers Committee
Marker text:
BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS

OLDEST CHARTERED BANK IN THE PHILIPPINES. FOUNDED IN 1851 BY THE JUNTA DE AUTORIDADES UNDER THE NAME OF "BANCO ESPANOL FILIPINO" BY VIRTUE OF HER MAJESTY ISABEL II'S DECREE. SOLE BANK IN THE PHILIPPINES PRIVILEGED UNTIL 1916 TO ISSUE BANK NOTES. RECHARTETED IN 1908 AND RENAMED IN 1912 BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS

University of Santo Tomas

NHCP SocMed Pubmat for National Heritage Month 2024

Location: Intramuros, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1934
Installed by: Historical Research and Markers Committee
Marker text:
UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

FOUNDED IN 1611 BY LEGACY OF ARCHBISHOP MIGUEL DE BENAVIDES. AUTHORIZED TO CONFER DEGREES IN 1624. GRANTED UNIVERSITY PRIVILEGES IN 1645 BY INNOCENT X UPON PHILIP IV’S REQUEST. MADE A ROYAL UNIVERSITY IN 1785 BY CHARLES III AND A PONTIFICAL UNIVERSITY IN 1902 BY LEO XIII. OLDEST UNIVERSITY UNDER THE AMERICAN FLAG.

Intendencia Building

Source: Hans-Peter Bärtschi, January 1988

Source: Hans-Peter Bärtschi, January 1988

Location: Former building of the Central Bank of the Philippines, Aduana Street, Intramuros, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Government building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 26 June 1935
Installed by: Historical Research and Markers Committee
Marker text:
INTENDENCIA BUILDING

CONSTRUCTION AS CUSTOMHOUSE AUTHORIZED APRIL 3, 1823. BUILDING ERECTED BY THOMAS COSTES WAS DESTROYED BY EARTHQUAKE JUNE 3, 1863. PRESENT BUILDING DESIGNED BY LUIS CESPEDES WAS BUILT 1874-1876 BY LUIS PEREZ SIONJUE.

Puerto Postigo

Location: Intramuros, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Gateway
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 27 January 1937
Installed by: Historical Research and Markers Committee
Marker text:
PUERTO POSTIGO

SMALLEST OF THE SEVEN GATES OF THE COMPLETED WALLS OF MANILA AS THEY STOOD IN 1898. BEING THE NEAREST TO THE RESIDENCES OF THE HIGHEST CIVIL AND ECCLESIASTICAL AUTHORITIES, THIS GATE WAS USED PRINCIPALLY BY THE GOVERNOR-GENERAL OF THE PHILIPPINES AND THE ARCHBISHOP OF MANILA. MAJOR MANUEL L. QUEZON OF THE PHILIPPINE REVOLUTIONARY ARMY, TOGETHER WITH MANY COMPATRIOTS, WAS CONFINED IN THE SOUTHERN GUARDROOM FOR SEVERAL MONTHS IN 1900.


Bastion San Gabriel

Location: Intramuros, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Government building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1937
Installed by: Historical Research and Markers Committee
Marker text:
BASTION SAN GABRIEL

CALLED SAN GABRIEL, BECAUSE IN FORMER TIMES IT FACED THE HOSPITAL OF SAN GABRIEL BUILT IN 1596 ACROSS THE PASIG RIVER AND MAINTAINED BY THE DOMINICAN ORDER FOR THE BENEFIT OF THE SANGLEYS.

Timoteo Paez (1861-1939)

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Balut, Tondo, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1 September 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
TIMOTEO PAEZ
(1861-1939)

REPORMISTA AT REBOLUSYONARYO. ISINILANG SA TONDO, MAYNILA, 22 AGOSTO 1861. KABILANG SA MGA NAGTATAG NG LOGIA NILAD, 6 ENERO 1892; AT LA LIGA FILIPINA, 3 HULYO 1892. SUMAPI SA CUERPO DE COMPROMISARIOS AT TUMULONG MANGALAP NG PONDO PARA SA KILUSANG REPORMISTA SA EUROPA, 1894. IBINILANGGO NG MGA ESPANYOL DAHIL SA PAGKASANGKOT SA HIMAGSIKAN, 1896. HINIRANG NI HEN. EMILIO AGUINALDO BILANG KOMISARYO NG DIGMAAN SA ILALIM NG PAMAHALAANG REBOLUSYONARYO. KINATAWAN NG SURIGAO SA KONGRESO NG PAMAHALAANG REBOLUSYONARYO, 1898-1899. KASAMA NI AGUINALDO SA PAGTANGGOL NG REPUBLIKA NG PILIPINAS LABAN SA PAG-ABANTE NG MGA AMERIKANO. INATASAN NI AGUINALDO NA SAMAHAN ANG MGA KABABAIHANG BAHAGI NG KANILANG PANGKAT NA SUMUKO SA MGA AMERIKANO, BONTOC, IFUGAO, 25 DISYEMBRE 1899. INIHALAL NA KONSEHAL NG MAYNILA, 1909. YUMAO, 18 SETYEMBRE 1939.

Pambansang Aklatan ng Pilipinas

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: National Library of the Philippines, T.M. Kalaw Street, Ermita, Manila
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 11 August 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PAMBANSANG AKLATAN NG PILIPINAS

ANG DIWA NG PAMBANSANG AKLATAN AY NAGSIMULA NANG ITATAG ANG MUSEO-BIBLIOTECA DE FILIPINAS SA BISA NG ISANG REAL DECRETO NI REYNA MARIA CRISTINA NG ESPANYA, 12 AGOSTO 1887. PINASINAYAAN, 25 OKTUBRE 1891. UNANG NAGBUKAS SA CALLE GUNAO, QUIAPO, MAYNILA AT KALAUNA’Y LUMIPAT SA CASA DE MONEDA, INTRAMUROS, MAYNILA. ITINULOY SA PANAHON NG MGA AMERIKANO ANG PAGBUBUO NG PAMBANSANG AKLATAN NANG PAG-ISAHIN ANG MGA AKLATANG PAMPUBLIKO BILANG THE PHILIPPINE LIBRARY, 20 MAYO 1909, AT NAKILALA SA IBA’T IBANG PANGALAN. LUBHANG NAPINSALA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, LIBAN SA ILANG KOLEKSYONG NAKALIGTAS SA PAMBOBOMBA NOONG 1945 SA MAYNILA. NAKILALA BILANG PAMBANSANG AKLATAN NG PILIPINAS SA BISA NG BATAS REPUBLIKA BLG. 10087, 13 MAYO 2010. NAGSILBING TAHANAN NG KARUNUNGAN, KASAYSAYAN, AT KULTURANG PILIPINO.   

Dalawampu't Siyam na Martir

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Manila North Cemetery, Santa Cruz, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker, Memorial
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 11 April 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
DALAWAMPU'T SIYAM NA MARTIR

NAGTANGGOL NG KALAYAAN NG PILIPINAS NOONG PANAHON NG HAPON SINA THOMAS ACON, DEVER ALEJANRO, JOSE MA. ALVAREZ, LEANDRO ALVAREZ, MANUEL ARGUILLA, WILLIAM ARTHUR, MANUEL ANASTACIO, BAÑALES, JUAN MIGUEL ELIZALDE, MANUEL ENRIQUEZ, VICENTE GEPTE, EMILIO GRUPE, HENRY DE LARA, FRANCISCO DE LEON, VIRGILIO LOBREGAT, GREGORIO MAGAT, JOSE MAÑOSA, ANTONIO MONTALVAN, TOM MYERS, JOSE OZAMIS, CIRILO PEREZ, ENRICO PIROVANO, LUIS PULIDO, NESTOR REINOSO, VICENTE I. REYES, RAFAEL R. ROCES, JR., GREGORIO SORIANO, AT RODOLFO YAP, SILA'Y DINAKIP NG MGA HAPONES  AT IPINIIT SA FORT SANTIAGO AT BILIBID, PINUGUTAN NG ULO AT ITINAPON ANG MGA BANGKAY SA ISANG HUKAY SA MANILA CHINESE CEMETERY; 30 AGOSTO 1944. MULING NATAGPUAN ANG MGA LABI, 1946; INILIPAT ANG MGA LABI KASAMA KAY BLANCHE WALKER JURIKA AT BINIGYAN NG MARANGAL NA LIBING SA CEMENTERIO DEL NORTE SA MAYNILA, 9 MARSO 1947.

Palasyo ng Malakanyang

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Lobby of the Malacañang Palace, Jose P. Laurel Street, San Miguel, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: National Historical Landmark
Legal basis: NHI Resolution No. 2, s 1998
Marker date: 2004
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PALASYO NG MALAKANYANG

BINILI NI KORONEL MIGUEL JOSE FOMENTO BUHAT KAY LUIS ROCHA, 1802. IPINAGBILI SA PAMAHALAANG KASTILA, 1825, ITINALAGA BILANG TIRAHANG PANTAG-ARAW NG GOBERNADOR HENERAL NA KINILALA BILANG POSESION DE MALACANANG MATAPOS GUMUHO SA LINDOL ANG PALASYO DEL GOBERNADOR SA INTRAMUROS 3 HUNYO 1863. PINALAKI, PINATAAS ANG LUPA, PINAREGRADO AT PINAGAWAN NG LIWASAN NOONG PANAHON NG PAMAHALAANG KOLONYAL NG AMERIKA SA ILALIM NG PANUNUNGKULAN NINA GOBERNADOR-HENERAL FRANCIS BURTON HARRISON AR DWIGHT DAVIS. GUMAWA NG MGA PAGBABAGO SA PANAHON NG PANUNUNGKULAN NG IBA'T IBANG PANGULONG MANUEL L. QUEZON NG KOMONWELT. ANG UNANG PILIPINONG PUNONG TAGAPAGPAGANAP NA NANIRAHAN DITO. ANG KARATIG NA GUSALING EHEKUTIBO AY NATAPOS NOONG 1939. ANG PREMIERE GUESTHOUSE, 1975.