Location: Intramuros, Manila (Region NCR)
Category: Sites/Events
Type: Foundation Site, School
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2001
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
ITINATAG SA POOK NA ITO BILANG COLEGIO DE SANTISIMO ROSARIO NOONG ABRIL 28, 1611, BILANG PAMANA NI MIGUEL BENAVIDES, O.P., ANG IKATLONG OBISPO NG MAYNILA. PAGKARAAN PINANGALANANG COLEGIO DE STO. TOMAS SA ALAALA NI SANTO TOMAS DE AQUINO. BINIGYAN NG KAPANGYARIHANG MAGKALOOB NG TITULO SA SINING, PILOSOPIYA AT TEOLOHIYA, 1624. ITINAAS ANG ANTAS BILANG PAMANTASAN NI PAPA INNOCENT X, 1645. GINAWARAN NG TITULONG “REAL” NI CARLOS III, 1785. IPINAHAYAG NA “PAMANTASANG PONTIPIKAL” NI PAPA LEO, 1902, AT “PAMANTASANG KATOLIKO NG PILIPINAS” NI PAPA PIUS XII, 1947. BINUKSAN ANG MGA PINTO SA KABABAIHAN, 1924. INILIPAT ANG KARAMIHAN SA MGA KOLEHIYO NITO SA SAMPALOC, MAYNILA, 1927. ANG ORIHINAL NA PANGUNAHING GUSALI AY GANAP NA NASIRA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDIGDIG. ANG LIWASANG ITO AY NAGSILBING PATIO NG ORIHINAL NA PAMANTASAN. KABILANG SA MGA NAG-AARAL DITO AY ANG MGA BAYANI AT MGA MAKABAYANG TULAD NINA JOSE RIZAL, JOSE BURGOS GAYUNDIN ANG MGA PANGULO NG PILIPINAS, SINA MANUEL L. QUEZON, SERGIO OSMEÑA, JOSE P. LAUREL AT DIOSDADO P. MACAPAGAL.
No comments:
Post a Comment