Tahanan ni Jose P. Laurel, Pangulo, Ikalawang Republika ng Pilipinas (1943-1945)




Location: Penafrancia St., Paco, Manila (Region NCR)
Category: Buildings/Structures
Type: House
Status: Level II - Historical marker
Marker date: March 8, 1998

Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text: 
TAHANAN NI JOSE P. LAUREL
PANGULO, IKALAWANG REPUBLIKA
NG PILIPINAS
(1943-1945)

UNANG IPINATAYO NOONG 1861, ANG TAHANANG ITO AY BINILI NI JOSE P. LAUREL NOONG 1926. NANIRAHAN SIYA RITO NANG MAY 29 NA TAON (1926-1955) KASAMA ANG KANYANG MAYBAHAY NA SI PACIENCIA HIDALGO AT ANG KANYANG MGA ANAK.

ANG ARI-ARIANG ITO AY MINANA NG KANYANG IKATLONG ANAK, SI SOTERO H. LAUREL, NA NAG-KALOOB NITO SA JOSE P. LAUREL MEMORIAL FOUNDATION AT NANGUNA SA PAGPAPANUMBALIK NITO SA AYOS BILANG PARANGAL SA KANYANG AMA NA BUONG GITING, MAY MATIBAY NA PANINIWALA AT WALANG PAG-IIMBOT NA DEDIKASYON NA NAGLINGKOD 5A KANYANG BAYAN.

PINASINAYAAN NG KAGALANG-GALANG NA PANGULONG FIDEL V RAMOS NOONG MARSO 8, 1998, BISPERAS NG PAGDIRIWANG NG IKA-107 KAARAWAN NI JOSE P. LAUREL, AT BILANG PAKIKIISA SA PAG-DIRIWANG NG SENTENYAL NG PILIPINAS (1898-1998).

No comments:

Post a Comment