Location: Gen. Luna Street, Intramuros, Manila (Region NCR)
Category: Association/Institution/Organization
Type: Organization
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KNIGHTS OF COLUMBUS MANILA COUNCIL NO. 1000
ITINATAG ANG UNANG ORDEN NG KNIGHTS OF COLUMBUS SA MAYNILA AT TINAWAG NA MANILA COUNCIL NO. 1000, 1905. GRAND KNIGHT RICHARD CAMPBELL, UNANG PINUNO. ANTONIO OPISSO AT ANASTACIO QUIJANO, UNANG MGA PILIPINO SA ORDEN, 1907. ITINATAG NG KASAPING SI DR. JOSE MA. DELGADO ANG SAN PABLO COUNCIL NO. 1900 SA LAGUNA, 1918. SINIMULAN NG MANILA COUNCIL NO. 1000 ANG PAGBUO NG MGA SANGAY SA LUNGSOD NG CEBU, ALBAY, LAOAG, BAGUIO, LINGAYEN, AT TACLOBAN, DEKADA 1920. LUMABAN PARA SA KALAYAAN AT NASAWI ANG MGA KASAPING SINA BENITO SOLIVEN, MANUEL COLAYCO AT ENRIQUE ALBERT NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. ITINUON ANG MGA GAWAING PAMPAMAYANAN SA PAMUMUNO NI REV. FR. GEORGE WILLMANN S.J, 1947–1953 AT IPINAGTIBAY ANG GANITONG LAYUNIN NANG MABUO ANG “PATRIOTIC DEGREE” NG ORDEN, 1949. BINUO ANG COLUMBIAN FARMERS’ AID ASSOCIATION, 1951. IPINALAGANAP ANG CREDIT UNIONS – CONSUMERS’ COOPERATIVES MOVEMENT, 1963. INILUNSAD ANG BARRIO UPLIFT PROGRAM, 1967.
No comments:
Post a Comment