Location: Camiling, Tarlac (Region III)
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 25 September 1987
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
CARLOS P. ROMULO
(1899–1985)
BANTOG NA DIPLOMATIKO, EDUKADOR, MAMAMAHAYAG AT MANUNULAT. IPINANGANAK SA CAMILING, TARLAC NOONG ENERO 14, 1899. NAGKAMIT NG A.B., UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES, 1918; M.A., COLUMBIA UNIVERSITY, NEW YORK, 1921; AT 71 PANG PANDANGAL NA TITULO. PATNUGOT NG TALIBA–LA VANGUARDIA–TRIBUNE, 1931; ISA SA MGA NAGTATAG, BOY SCOUTS OF THE PHILIPPINES, 1936; AT TAGAPAGLATHALA NG DEBATE–MABUHAY–HERALD–MONDAY MAIL, 1937. MAY-AKDA NG “RIZAL A CHRONICLE PLAY,” “THE MAGSAYSAY STORY,” AT ATBP. KASAMA NI HEN. DOUGLAS MACARTHUR SA LEYTE LANDING, 1944. UNANG ASYANONG PANGULO, UNITED NATIONS GENERAL ASSEMBLY, 1949; TATLONG BESES NA PANGULO U.N. SECURITY COUNCIL; AT 20 BESES NA PINUNO NG DELEGASYON NG PILIPINAS, U.N. GENERAL ASSEMBLY. KALIHIM NG KABATIRAN AT KAUGNAYANG PUBLIKO, EMBAHADOR AT TANGING SUGO SA U.S.A., PANGULO NG U.P. AT KALIHIM NG PAGTUTURO, AT MINISTRO NG SULIRANING PANLABAS. TUMANGGAP NG PULITZER PRIZE SA PAMAMAHAYAG, SILVER STAR, PURPLE HEART, LEGION OF HONOR, PRESIDENTIAL UNIT CITATION AT PRESIDENTIAL MEDAL OF FREEDOM SA U.S.A. AT 65 PANG MEDALYA AT KARANGALAN. NAMATAY NOONG DISYEMBRE 15, 1985.
No comments:
Post a Comment