NHCP Photo Collection 2019 |
NHCP Photo Collection 2019 |
Category: Personages
Type: Biographical Marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2010
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PEDRO ABAD SANTOS
(1876–1945)
KILALA SA BANSAG NA DON PERICO. ISINILANG SA SAN FERNANDO, PAMPANGA, 31 ENERO 1876. NAGING MEDYOR SA HUKBONG MAPANGHIMAGSIK SA ILALIM NI HEN. MAXIMINO HIZON NOONG DIGMAANG FILIPINO–AMERIKANO, 1899–1901. NAGLINGKOD BILANG JUEZ DE PAZ NG SAN FERNANDO, PAMPANGA, 1907–1909. KINATAWAN NG IKALAWANG DISTRITO NG PAMPANGA SA ASAMBLEYA NG PILIPINAS, 1916–1922; KAGAWAD, PHILIPPINE INDEPENDENCE MISSION SA ESTADOS UNIDOS, 1922. UNANG WORSHIPFUL MASTER NG PAMPANGA LODGE NO. 48, F&A.M., 1918. NAGTATAG NG PARTIDO SOSYALISTA NG PILIPINAS, 1932; “AGUMAN DING MALDING TALAPAGOBRA” (GENERAL WORKER UNION), 1933 AT PANGALAWANG PANGULO, PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS; 1938–42. DINAKIP NG KEMPEITAI HUKBONG HAPONES AT IKINULONG SA KUTANG SANTIAGO, 25 ENERO 1942. PINALAYA AT SUMANIB SA GERILYA, 1944. YUMAO, 15 ENERO 1945.
No comments:
Post a Comment