NHCP Photo Collection, 2018 |
NHCP Photo Collection, 2018 |
NHCP Photo Collection, 2018 |
Location: San Mateo, Rizal
Category: Buildings/StructuresType: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 31 August 2018
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN AT DAMBANA NG NUESTRA SEÑORA DE ARANZAZU
IPINAKILALA NI PADRE JUAN ECHAZABAL, S.J. SA SAN MATEO ANG DEBOSYON SA NUESTRA SEÑORA DE ARANZAZU, 1715. KASABAY NG PAGTATALAGA DITO AY ITINANGHAL NA PATRONA ANG NUESTRA SEÑORA DE ARANZAZU SA PAMUMUNO NI PADRE JUAN PEDRO CONFALONIER, S.J., 1716. IPINIIT SI DR. PIO VALENZUELA SA KUMBENTO NG SIMBAHAN, AGOSTO 1896. PINAGKUBLIAN NG MGA ESPANYOL NANG SILA AY TINANGKANG LUSUBIN NG MGA KATIPUNERO SA ILALIM NI ANDRES BONIFACIO, NGUNIT NASAGIP NG MGA IPINADALANG KARAGDAGANG SUNDALONG ESPANYOL, NOBYEMBRE 1896. NAPINSALA NOONG DIGMAAN LABAN SA MGA AMERIKANO NA SIYANG UMOKUPA SA SIMBAHAN, DISYEMBRE 1899–23 ENERO 1903. MULING NASIRA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. ITINALAGA BILANG DAMBANANG PANDIYOSESIS NG NUESTRA SEÑORA DE ARANZAZU, 17 HULYO 2004. KANONIKAL NA KINORONAHAN ANG IMAHEN NG NUESTRA SEÑORA DE ARANZAZU NA NAKADAMBANA SA SIMBAHANG ITO, 31 MAYO 2017.
No comments:
Post a Comment