Showing posts with label Rizal. Show all posts
Showing posts with label Rizal. Show all posts

Marking's Guerilla

NHCP Photo Collection, 2026

NHCP Photo Collection, 2026

NHCP Photo Collection, 2026

Location: Morong, Rizal
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 16 February 2026
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
MARKING’S GUERILLA

ITINATAG NI MARCOS “MARKING” V. AGUSTIN SA ANTIPOLO, RIZAL UPANG LABANAN ANG PANANAKOP NG HUKBONG HAPON, PEBRERO, 1942. NAKIPAG-ALYANSA SA FILIPINO-AMERICAN IRREGULAR TROOPS UPANG HIGIT NA MAPALAKAS ANG KILUSAN, HUNYO 1942. SUMANIB SI VALERIA “YAY” PANLILIO AT PINAMAHALAAN ANG PAGMANMAN SA GALAW NG MGA MANANAKOP, HULYO 1942. KABILANG SA MGA PUWERSANG GERILYA NA NAGPALAYA SA MGA BILANGGONG PILIPINO AT AMERIKANO SA LOS BAÑOS INTERNMENT CAMP, 23 PEBRERO 1945. PINANGUNAHAN ANG MATAGUMPAY NA PAGBAWI SA PRINSA NG IPO SA NORZAGARAY, BULACAN, 6 -17 MAYO 1945. KARAMIHAN SA MGA KASAPI AY NAGMULA SA MORONG, RIZAL AT AKTIBONG NAKIPAGLABAN SA MGA HAPON SA GITNA AT TIMOG LUZON, AT SA LALAWIGAN NG RIZAL, 1942-1945.

Gobierno Departamental Del Centro De Luzon

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: Montalban, Rizal
Category: Sites/Events
Type: Event
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 25 April 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
GOBIERNO DEPARTAMENTAL
DEL CENTRO DE LUZON

ITINATAG SA HIMPILAN NG HUKBO NI HENERAL LICERIO GERONIMO SA BUNDOK NG PURAY SA BAYAN NG MONTALBAN, 13 MAYO 1897. PINANGASIWAAN NITO ANG MGA PAMAHALAANG REBOLUSYUNARYO SA MGA LALAWIGAN NG MAYNILA, BULACAN, PAMPANGA, BATAAN, NUEVA ECIJA, LAGUNA AT MORONG. PINAMUNUAN NINA PADRE PEDRO DANDAN, PANGULO; DR. ANASTACIO FRANCISCO, PANGALAWANG PANGULO; TEODORO GONZALES, KALIHIM NG PAMAHALAAN; CIPRIANO PACHECO, KALIHIM NG PANANALAPI; AT FELICIANO JOCSON, KALIHIM NG GAWANG-PAGPAPAUNLAD. BINUWAG MATAPOS PAGTIBAYIN ANG KONSTITUSYON NG BIAK-NA-BATO, 1 NOBYEMBRE 1897.

Labanan sa Puray

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: Montalban, Rizal
Category: Sites/Events
Type: Event
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 25 April 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
LABANAN SA PURAY

SA BUNDOK PURAY SA BAYAN NG MONTALBAN, NAGTAGUMPAY SA LABANAN ANG MGA PILIPINONG REBOLUSYUNARYO LABAN SA HUKBONG ESPANYOL GAMIT ANG TAKTIKANG GERILYA, 14 HUNYO 1897. PINANGUNAHAN NI HENERAL LICERIO GERONIMO ANG HANAY NG MGA PILIPINO KATUWANG ANG PANGKAY NI HENERAL EMILIO AGUINALDO AT IBA PANG PINUNONG REBOLUSYUNARYO, HABANG PINAMUNUAN NINA TENYENTE-KORONEL FELIPE DUJIOLS AT KOMANDANTE MIGUEL PRIMO DE RIVERA ANG MGA PUWERSANG ESPANYOL. ANG TAGUMPAY NA ITO ANG NAGBIGAY NG SAPAT NA PANAHON SA PANGKAT NI AGUINALDO UPANG MAKAPAGLAKBAY TUNGO SA BIAK-NA-BATO SA SAN MIGUEL DE MAYUMO, BULACAN.

Carlos "Botong" Francisco


NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: 57 Capt. Allano, Angono, Rizal
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 3 April 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
CARLOS "BOTONG" FRANCISCO

PAMBANSANG ALAGAD NG SINING. PINTOR AT MIYURALISTA. ISA SA MGA NAGSULONG NG ISTILONG MODERNISMO AT MIYURALISMO SA PILIPINAS. ISINILANG SA ANGONO, RIZAL, 4 NOBYEMBRE 1912. NAG-ARAL SA UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, 1930-1935. NAGING TAGAGUHIT NG THE PHILIPPINES HERALD AT MANILA TRIBUNE; NAGING KATUWANG NI VICTORIO EDADES AT GALO OCAMPO, BILANG “TRIUMVIRATE OF PHILIPPINE MODERN ART,” SA PAGPINTA NG TANYAG NA MURAL NA “RISING PHILIPPINES,” 1934. NAGTURO SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS, 1938. NAGWAGI NG GINTONG GANTIMPALA PARA SA MGA OBRANG “ANGELUS” AT “KAINGIN.” NAKASAMA NI MANUEL CONDE SA PRODUKSYON NG ILANG MGA PELIKULA KABILANG ANG PAMOSONG “GENGHIS KHAN.” BINUO ANG ANGONO ATELIERS SA KANYANG PAGBABALIK SA ANGONO, 1953. SA PAREHONG TAON, ITINAMPOK ANG “FIVE HUNDRED YEARS OF PHILIPPINE HISTORY” SA INTERNATIONAL FAIR SA MAYNILA NA NAILATHALA SA PAHAYAGANG NEWSWEEK. PINARANGALAN BILANG NATATANGING ALUMNUS NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, 1954. GINAWARAN NG REPUBLIC CULTURAL HERITAGE AWARD, 1964. ILAN PANG MGA TANYAG NA OBRA AY ANG “FILIPINO STRUGGLES THROUGH HISTORY,” “PAGEANT OF COMMERCE,” “FIRST MASS IN THE PHILIPPINES,” AT “PROGRESS OF MEDICINE IN THE PHILIPPINES.” PUMANAW, 31 MARSO 1969. IGINAWAD ANG ORDEN NG PAMBANSANG ALAGAD NG SINING PARA SA SINING BISWAL, 1973.    

Simbahan ng Binangonan


NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Sta. Ursula Parish Church, Libid (Poblacion), Binangonan, Rizal
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 21 October 2021
Installed by; National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG BINANGONAN

ITINATAG NG MGA PRANSISKANO BILANG VISITA NG MORONG, 1621. INILIPAT ANG BINANGONAN SA MGA HESWITA KAPALIT NG BAYAN NG BARAS, 1679. IBINIGAY SA MGA AGUSTINO, 1697. MULING IBINALIK SA MGA PRANSISKANO, 1737. UNANG ITINAYO ANG KASALUKUYANG SIMBAHAN, 1792-1800. ISINAAYOS, 1853. NASIRA NOONG DIGMAANG PILIPINO-AMERIKANO, 1899. GINAMIT NG PUWERSANG AMERIKANO BILANG HIMPILAN, 1900-1903. INALAY SA PATRON NA SI SANTA URSULA. ISANG NATATANGING ELEMENTO NG SIMBAHAN AY ANG KANYANG LUMANG RETABLO SA GILID NA KAPILYA.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG PAGGUNITA SA IKA-400 ANIBERSARYO NG PAROKYA, 2021.

Claudio Intermediate School

Location: Morong, Rizal
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1953
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
CLAUDIO INTERMEDIATE SCHOOL

CONSTRUCTED IN 1921 UNDER ACT NO 2881 IN THE MEMORY OF TOMAS CLAUDIO WHO DIED, 29 JUNE 1918, OF WOUNDS RECEIVED IN ACTION NEAR CATIGNY, FRANCE, DURING WORLD WAR I.

Morong High School Building

Location: Morong, Rizal
Category:  Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: Unknown
Marker text:
MORONG HIGH SCHOOL BUILDING

CONSTRUCTED BY FORCED LABOR, 1881-1883, UNDER THE DIRECTION OF CAPTAIN MAURICIO MATA CRUZ. BECAME THE CAPITOL OF THE GOBIERNO POLITICO-MILITAR OF THE DISTRITO DE MORONG 1884-1896. TAKEN OVER BY THE REVOLUTIONISTS, 1899; BY THE AMERICAN FORCES, 1901; BY THE JAPANESE 1942-1944; BY THE MORONG HIGH SCHOOL, 1945.

Ang Bayan ng Morong


















NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

Location: Tupas Street, Morong, Rizal
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1971
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
ANG BAYAN NG MORONG

ITINATAG ANG BAYAN NG MORONG NOONG 1578 AT NAGING KABISERA NANG ITATAG ANG DISTRITO POLITICO-MILITAR NG MORONG NOONG 1853. ANG DISTRITO AY NAGING LALAWIGAN NG RIZAL NOONG 1901. ANG GUSALING ITO NA KILALA SA TAWAG NA “COMMANDANCIA” AY ITINAYO NOONG 1880–1881, SA PANAHON NI G. MAURICIO MATA CRUZ, GOBERNADORSILYO NG BAYAN.

Paul P. de la Gironiere

Location: Jalajala, Rizal
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1978
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PAUL P. DE LA GIRONIERE

MANLALAKBAY NA PRANSES NA DUMATING SA MAYNILA NOONG 1820. NANIRAHAN SA PILIPINAS SA LOOB NG DALAWAMPUNG TAON AT BINUO ANG ASYENDANG JALA-JALA SA MORONG, NGAYO’Y LALAWIGANG RIZAL. PINAUNLAD ANG PAG-AALAGA NG BABOY, PAGTATANIM NG INDIGO, TUBO AT KAPE AT NAKAPAGTANIM NG KAPENG MAY 60,000 PUNO SA IKALAWA NITONG PAG-AANI. DAHIL DITO SIYA AY TUMANGGAP NG KARANGALAN BUHAT SA LA REAL SOCIEDAD ECONOMICA DE AMIGOS DEL PAIS DE FILIPINAS NOONG HUNYO 27, 1837. SINULAT ANG SALAYSAY NG KANYANG BUHAY AT PAGLALAKBAY SA KAPULUAN NA PINAMAGATANG VINGT ANNEES AUX PHILIPPINES (DALAWAMPUNG TAON SA PILIPINAS). NAGBALIK SA PRANSIYA AT BINAWIAN NG BUHAY NOONG 1865.

Tomas Claudio (1892–1918)

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

Location: Tomas Claudio Street cor. Tupas Street, Morong, Rizal
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: May 7, 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
TOMAS CLAUDIO 
(1892–1918)

BAYANI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG. IPINANGANAK, MAYO 7, 1892, MORONG, RIZAL. NAGTAPOS NG KOMERSIYO, CLARK HEALDS BUSINESS COLLEGE, SPARKS, NEVADA, 1916. UMANIB SA HUKBO NG ESTADOS UNIDOS, NOBYEMBRE 2, 1917; NAGTUNGO SA PRANSYA BILANG KASAPI NG IKA-41 DIBISYON, DISYEMBRE 15, 1917. LUMIPAT SA IKA-28 REHIMENG IMPANTERIYA, UNANG DIBISIYON AT BUONG TAPANG NA NAKIBAKA SA MADUGONG LABANAN NG CANTIGNY, PRANSYA, MAYO 28. NAMATAY BUNGA NG TINAMONG SUGAT, HUNYO 29, 1918. IBINALIK ANG MGA LABI SA PILIPINAS AT INILIBING NANG MAY KARAMPATANG SEREMONYA SA CEMENTERIO DEL NORTE, 1921. BILANG PARANGAL, ANG TOMAS CLAUDIO MEMORIAL SCHOOL AY ITINATAG SA BISA NG BATAS LEHISLATURA BLG. 1281, NOONG 1921.

Licerio L. Geronimo (1855–1924)

Location: Camp Geronimo, Cabrera Road, Brgy. Dolores, Taytay, Rizal
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: February 13, 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
LICERIO L. GERONIMO (1855–1924)

BAYANI NG LABANAN NG SAN MATEO. IPINANGANAK AGOSTO 27, 1855, SAMPALOC, MAYNILA. PUNO, KAPULUNGANG KATIPUNAN NG WAWA, MONTALBAN; TAGAPAGTATAG, KATIPUNAN SA SAN MATEO AT MARIKINA. NAPAURONG ANG MGA KASTILA NA SUMALAKAY SA PUWERSA NI HENERAL AGUINALDO SA BUNDOK PURAY. NAHIRANG NA MEDYOR HENERAL NG DIBISYON NAKATALAGA SA SAN MATEO, 1898; KOMANDANTE HENERAL NG IKATLONG SONA MILITAR NG LALAWIGAN NG MAYNILA, 1899. BUONG TAPANG NA NAKIPAGLABAN KASAMA ANG KANYANG MGA TIRADORES DE LA MUERTE SA LABANAN NG SAN MATEO KUNG SAAN NAPATAY NIYA SI HENERAL HENRY LAWTON AT IBA PANG OPISYAL NA AMERIKANO. SINUNDAN ITO NG MGA PAGSALAKAY SA IBA’T-IBANG HIMPILAN NG MGA AMERIKANO SA BULAKAN, RIZAL AT MGA KARATIG BAYAN NG MAYNILA. SUMUKO SA MGA AMERIKANO, 1901. NAGTRABAHO SA KONSTABULARYO NG PILIPINAS BILANG 4TH CLASS INSPECTOR, HUNYO 1, 1902. NAGING 3RD LIEUTENANT AT INSPECTOR DISYEMBRE 23, 1902. NAMATAY, ENERO 16, 1924.

Town of Tanay

Location: M.H. del Pilar Street, Plaza Aldea, Tanay, Rizal
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1939
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
TOWN OF TANAY

A SMALL VILLAGE ON MONTE TAN-AY, NOW INALSAN UNDER THE JURISDICTION OF PILILLA FROM 1573. TANAY BECAME AN INDEPENDENT PARISH UNDER SAN ILDEFONSO IN 1606. IN 1620 IT WAS TRANSFERRED TO SAN ANTONIO (PANTAY). WHEN SAN ANTONIO WAS BURNED IN 1639, THE PEOPLE MOVED TO THE PRESENT SITE AND FOUNDED THE TOWN IN 1640.

THE FIRST STONE CHURCH IN THIS TOWN WAS FINISHED IN 1680. THE PRESENT CHURCH WAS BUILT IN 1773–1783. TWO IRRIGATION DAMS WERE BUILT IN 1790–1808. A SCHOOL FOR BOYS AND A SCHOOL FOR GIRLS WERE OPENED IN 1821. A STONE BRIDGE, BUILT ACROSS THE TANAY RIVER IN 1854–1856, WAS DESTROYED BY THE TYPHOON AND FLOOD OF SEPTEMBER 27, 1864, BUT REBUILT IN 1877. A MUNICIPAL BUILDING WAS ERECTED IN 1888 AND A SCHOOL HOUSE IN 1893. THESE PUBLIC IMPROVEMENTS WERE ACHIEVED LARGELY BY VOLUNTARY CONTRIBUTION.

RAWANG PASS AND KALINAWAN PLATEAU IN THE MOUNTAINS OF THIS TOWN WERE STRONGHOLDS OF THE FILIPINOS IN THE REVOLUTION AGAINST SPAIN AND IN THE FILIPINO–AMERICAN WAR. IN APRIL–MAY, 1900, THE AMERICAN FORCES OCCUPIED THIS TOWN WITH THE ESTABLISHMENT OF THE CIVIL GOVERNMENT IN 1901. THE TOWN BECAME A PART OF THE PROVINCE OF RIZAL.

Vicente S. Manansala (1910–1981) [Rizal]

NHCP Photo Collection
Location: 73 Gloria Street, San Carlos Heights, Binangonan, Rizal
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 22 January 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
VICENTE S. MANANSALA
(1910–1981)

BANTOG NA PINTOR AT MIYURALISTA. ISINILANG SA MACABEBE, PAMPANGA, NOONG ENERO 22, 1910. NAGTAPOS NG FINE ARTS SA PAMANTASAN NG PILIPINAS, 1930. TAGAGUHIT AT LAY-OUT ARTIST NG PHILIPPINES HERALD, PHOTO NEWS, LIWAYWAY AT SATURDAY EVENING NEWS, NAGWAGI NG UNANG GANTIMPALA ANG KANYANG “POUNDING RICE,” 1940, AT “BARUNG-BARONG NO. 1,” 1950. TUMANGGAP NG OUTSTANDING U.P. ALUMNI AWARD, 1957; REPUBLIC CULTURAL HERITAGE AWARD, 1963; AT ARAW NG MAYNILA PATNUBAY NG KALINANGAN AWARD, 1970. GUMUHIT NG MIYURAL “FREEDOM OF THE PRESS,” “STATIONS OF THE CROSS,” “AGHAM AT HUMANIDAD,” ATBP. GINAWARAN PAGKAMATAY BILANG ISANG NATIONAL ARTIST, 1981. NAMATAY NOONG AGOSTO 22, 1981.

Licerio I. Geronimo (1855–1924)

Location: J. P. Rizal Street cor. A. Bonifacio Street, Rodriguez, Rizal
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: February 20, 1993
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LICERIO I. GERONIMO 
(1855–1924)

BAYANI NG LABANAN NG SAN MATEO. IPINANGANAK AGOSTO 27, 1855, SAMPALOC, MAYNILA. PUNO, KAPULUNGANG KATIPUNAN NG WAWA, MONTALBAN, TAGAPAGTATAG, KATIPUNAN SA SAN MATEO AT MARIKINA. NAPAURONG ANG MGA KASTILA NA SUMALAKAY SA PUWERSA NI HENERAL AGUINALDO SA BUNDOK PURAY. NAHIRANG NA MEDYOR HENERAL NG DIBISYON NAKATALAGA SA SAN MATEO, 1898; KOMANDANTE HENERAL NG IKATLONG SONA MILITAR NG LALAWIGAN NG MAYNILA, 1899. BUONG TAPANG NA NAKIPAGLABAN KASAMA ANG KANYANG MGA TIRADORES DE LA MUERTE SA LABANAN NG SAN MATEO KUNG SAAN NAPATAY NIYA SI HENERAL HENRY LAWTON AT IBA PANG OPSIYAL NA AMERIKANO. SINUNDAN ITO NG MGA PAGSALAKAY SA IBA’T-IBANG HIMPILAN NG MGA AMERIKANO SA BULAKAN, RIZAL AT MGA KARATIG BAYAN NG MAYNILA. SUMUKO SA MGA AMERIKANO, 1901. NAGTRABAHO SA KONSTABULARYO NG PILIPINAS BILANG 4TH CLASS INSPECTOR, HUNYO 1, 1902. NAGING 3RD LIEUTENANT AT INSPECTOR, DISYEMBRE 23, 1902. NAMATAY, ENERO 16, 1924.

Juan M. Sumulong (1874–1942)

Location: Sumulong Park, M. L. Quezon Street, Antipolo, Rizal
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: December 27, 1974
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
JUAN M. SUMULONG (1874–1942)

ISINILANG SA ANTIPOLO, RIZAL NOONG IKA-27 NG DISYEMBRE 1874.

KALIHIM SA MORONG NG MGA NAGHIHIMAGSIK LABAN SA KASTILA, MANUNULAT AT MANANANGGOL. NAIPANALO ANG USAPIN NG EL RENACIMIENTO SA SAKDAL NA LIBELO NG MGA AMERIKANONG MILITAR. ITINATAG ANG LALAWIGAN NG RIZAL DAHIL SA PAGKAKAPAGTIBAY SA KANYANG PANUKALA NA ANG DATING LALAWIGAN NG MORONG AT ANG ILANG BAYAN NG MAYNILA AY PAGSAMAHIN AT GAWING ISANG LALAWIGAN. HUKOM SA PAGTATALA NG LUPA (1908); KAGAWAD NG KOMISYON NG PILIPINAS (1909–1913); NAHALAL NA SENADOR, 1925–1931 AT 1934–1935, AT KAGAWAD NG KOMISYON SA KALAYAAN, 1930–1931. UTAK NG OPOSISYON NA ANG PATAKARAN AY ANG PAGSASABI NG TOTOO, AT PAGTATAPAT SA BAYAN.

NAMATAY NOONG IKA-9 NG ENERO, 1942.

Church of Antipolo

Location: Antipolo Cathedral, P. Oliveros Street, Antipolo, Rizal
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Installed by: Historical Research and Markers Committee
Marker date: 1937
Marker text:
CHURCH OF ANTIPOLO

THE FIRST MISSIONARIES OF ANTIPOLO WERE FRANCISCANS. THE JESUITS ADMINISTERED THE CHURCH FROM 1591 TO 1768. BUILT BY REV. JUAN DE SALAZAR, S.J., THE CHURCH WAS READY FOR NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE IN 1632. THE CHURCH WAS GREATLY DAMAGED DURING THE CHINESE UPRISING OF 1639 AND IN THE EARTHQUAKES OF 1645, 1824 AND 1863. FOR THREE CENTURIES NOW, THIS CHURCH HAS BEEN THE OBJECT OF RELIGIOUS PILGRIMAGES ALL OVER THE PHILIPPINES. THE FAMOUS HISTORIANS PP. PEDRO CHIRINO, S.J., AND PEDRO MURILLO VELARDE, S.J., MINISTERED IN ANTIPOLO.

Eulogio Rodriguez y Adona (1883–1964)

Location: Eulogio Rodriguez Ancestral House, J.P. Rizal Street, Rodriguez, Rizal
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1983
Marker text:
EULOGIO RODRIGUEZ Y ADONA 
(1883–1964)

ANAK NG MAHIRAP NA MAG-ASAWANG PETRONILO RODRIGUEZ AT MONICA ADONA, SI EULOGIO AY IPINANGANAK NOONG ENERO 21, 1883 SA MONTALBAN, RIZAL. DAHIL SA KANYANG SIPAG, TIYAGA AT PAGSISIKAP AY UMIGPAW SIYA MULA SA PAGIGING SAKATERO HANGGANG MANGING PANGULO NG MONTALBAN, GOBERNADOR NG LALAWIGANG RIZAL, ALKALDE NG MAYNILA, KINATAWAN NG NUWEBA BISKAYA AT NG IKALAWANG PUROK NG RIZAL SA LEHISLATURA, KALIHIM NG PAGSASAKA AT LIKAS NA KAYAMANAN, SENADOR, PANGULO NG SENADO, AT PANGULO NG LAPIANG NACIONALISTA. IKINULONG NG MGA HAPON SA KUTANG SANTIAGO DAHIL SA HINDI NIYA PAKIKIISA SA KANILA. MATAPAT SA TUNGKULIN, MAAWAIN, AT MATULUNGIN SA KAPWA. ANG KANYANG PAGKAMATAY NOONG DISYEMBRE 9, 1964 AY INILUHA NG BUONG BANSA.

Claudio Intermediate School

Location: Morong, Rizal
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1953
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
CLAUDIO INTERMEDIATE SCHOOL

CONSTRUCTED 1921 UNDER ACT NO. 2881 IN THE MEMORY OF TOMAS CLAUDIO WHO DIED, 29 JUNE 1918, OF WOUNDS RECEIVED IN ACTION NEAR CANTIGNY, FRANCE, DURING WORLD WAR 1.

Bayan ng Rodriguez

© Judgefloro/Wikimedia Commons
Location: Rodriguez Municipal Hall, J.P. Rizal Street, Rodriguez, Rizal
Category: Sites/Events
Type: Town
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2009
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
BAYAN NG RODRIGUEZ

ITINATAG BILANG BAYAN NG MONTALBAN MULA SA APAT NA BARYO NG BAYAN NG SAN MATEO, 27 ABRIL 1871. SA YUNGIB NG PAMITINAN NAGANAP ANG MGA LIHIM NA PAGPUPULONG NG KATIPUNAN. LUMAHOK SA HIMAGSIKAN LABAN SA MGA ESPANYOL, 1898. DITO NAGANAP ANG LABANAN SA PAGITAN NG MGA FILIPINO AT AMERIKANO SA PAMUMUNO NI HEN. LICERIO GERONIMO, 1899. ISINAMA SA SAN MATEO, OKTUBRE 1903–1908. NAGING NAGSASARILING BAYAN, 1 ENERO 1909. PINANGALANANG RODRIGUEZ BILANG PARANGAL KAY EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZ, SR. NA DATING PUNONG LALAWIGAN NG RIZAL (1916–1922), 27 HUNYO 1982.

Simbahan ng Lumang Bosoboso

NHCP Photo Collection, 2018

NHCP Photo Collection, 2018

NHCP Photo Collection, 2018

Location: Sitio Old Bosoboso, Brgy. San Jose, Antipolo, Rizal
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 14 June 2018
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG LUMANG BOSOBOSO

ITINAYO ANG UNANG SIMBAHAN NANG MAORGANISA NG MGA PARING PRANSISKANO ANG MGA DUMAGAT NG LANATIN AT LINOTAN SA KABUNDUKAN NG TANAY, LALAWIGAN NG TONDO, NGAYO’Y RIZAL, 1669. TINAWAG NA MISYON NG SAN ANDRES DE LANATIN NG MGA PARING PRANSISKANO, 1670. TINAWAG NA BOSOBOSO NANG ITULOY NG MGA PARING HESWITA ANG MISYON, KASABAY NG PAGIGING BAYAN NITO, 1741. ISINALIN SA MGA PARING SEKULAR, 1768. NAWASAK NG LINDOL, 1880. INABANDONA DAHIL PINALIPAT ANG MGA TAGA-RITO SA BAGONG BOSOBOSO SA ILALIM NG ANTIPOLO, RIZAL, MATAPOS ISAMA SA MARIKINA WATERSHED RESERVATION, 1911. NAGING HIMPILAN NG HUNTERS ROTC GUERRILLA ANG MGA GUHO NITO, 1942. MULING ISINAAYOS NG MGA MANANAMPALATAYA AT NG MGA PARING KAMILYANO, 1995. ITINALAGANG PATRON ANG NUESTRA SEÑORA DE LA ANUNCIATA AT MULING NAGING PAROKYA NG DIYOSESIS NG ANTIPOLO SA PANGANGASIWA NG MGA PARING KAMILYANO, 2004.