Ang Bayan ng Obando

© Judgefloro/Wikimedia Commons
Location: Obando, Bulacan
Category: Sites/Events
Type: Town
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 19 May 1973
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
ANG BAYAN NG OBANDO

UNANG NAKILALA SA TAWAG NA BARYO CATANGALAN SAKOP NG MEYCAWAYAN. NAGING SAKOP NG POLO NANG ANG HULI AY HUMIWALAY SA MEYCAWAYAN NOONG 1623. NAGING BAYAN NG OBANDO NOONG MAYO 14, 1753, SA BISA NG KAUTUSANG INILAGDA NI GOBERNADOR HENERAL JOSE FRANCISCO DE OBANDO Y SOLIS. LUBUSANG NAHIWALAY SA BAYAN NG POLO NOONG 1754 NANG SANG-AYUNAN ANG PAGIGING BAYAN NITO NINA FRANCISCO MORALES Y MOZARABE, GOBERNADOR NG LALAWIGANG BULAKAN AT KAMAHAL-MAHALANG REBERENDO ALEJANDRO FERRER, MINISTRONG PANLALAWIGAN. SI PADRE MANUEL DE OLIVENCIA ANG UNANG KURA PAROKO AT SI DIEGO SAN DIEGO ANG NAGING UNANG ALKALDE. ANG KAPISTAHAN AY TUWING IKA 17–18 NG MAYO.

No comments:

Post a Comment