Ang Kabataang Pinuno ng Macabebe

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Macabebe Municipal Hall, Poblacion, Macabebe, Pampanga
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: June 3, 2016
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
ANG KABATAANG PINUNO NG MACABEBE

PINAMUNUAN ANG MAHIGIT 2,000 MANDIRIGMANG MORO BUHAT SA MACABEBE, HAGONOY AT IBA PANG BAHAGI NG PAMPANGA PARA PALAYASIN ANG MGA ESPANYOL SA LUZON, 31 MAYO 1571. HINIMOK SI LAKAN DULA NG TONDO NA SUMAMA SA KANYANG KAMPANYA, NGUNIT NAKAPANUMPA NA ITO NG KATAPATAN SA MGA ESPANYOL, KASAMA SINA RAHA MATANDA AT RAHA SOLIMAN NG MAYNILA. TINANGGIHAN ANG ALOK NI GOB. HEN. MIGUEL LOPEZ DE LEGAZPI NA PAKIKIPAGKAIBIGAN AT HINAMON ITO SA ISANG LABANAN SA WAWA NG ILOG BANGKUSAY, TONDO, LOOK NG MAYNILA. NAPASLANG SA NATURANG LABANAN, KASAMA NG 300 IBA PANG MORO, 3 HUNYO 1571.

No comments:

Post a Comment