Location: Ayala Avenue, Makati City
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1 August 2001
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS
ANG UNANG BANGKO SA PILIPINAS NA ITINATAG SA PAMAMAGITAN NG KAUTUSAN NG REYNA ISABELA II NOONG AGOSTO 1, 1851. UNANG PINANGANLANG BANCO ESPANOL FILIPINO DE ISABEL II. PINALITAN NG PANGALANG BANCO ESPANOL FILIPINO NOONG 1869. BINIGYAN NG BAGONG PANGALANG "BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS" NOONG 1912. BUHAT SA HILAGANG KANLURANG BAHAGI NG BAGONG GUSALI NG ADWANA SA PORT AREA, INILIPAT ANG TANGGAPAN NITO SA PANULUKAN NG MGA DAANG CABILDO AT VICTORIA SA INTRAMUROS NOONG 1862; SA PLAZA CERVANTES, BINONDO, NOONG 1891; SA PANULUKAN NG MGA DAANG AYALA AT HERRERA SA MAKATI NOONG 1966 AT SA KASALUKUYANG KINATATAYUAN NITO NOONG ABRIL 1980.
UNANG BANGKONG OPISYAL NA BINIGYAN NG KAPANGYARIHANG MAGPALABAS NG UNANG PAPEL AT MAGPAKALAT NG UNANG SINSILYO; PAGTATALAGA NG MGA SANGAY; PAGTUSTOS SA UNANG LINGKURANG PAMPEROKARIL, UNANG TELEPONO AT UNANG "STEAMSHIP" SA BANSA.
No comments:
Post a Comment