Location: Pinaglabanan Shrine, Km. 348 Pan-Philippine Highway, Brgy. Laniton, Basud, Camarines Norte
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1980
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
BANTAYOG PARA SA KAPAYAPAAN
SA TULAY NA ITO, GANAP NA IKA-4:30 N.U., IKA-18 NG DISYEMBRE 1941, NASAKSIHAN ANG UNANG PAGPAPAPUTOK NG USAFFE CAMARINES NORTE STATION NI W.Q. VINZONS LABAN SA PAMBUNGAD NA HANAY NG LUMULUSOB NA HUKBONG IMPERYAL NG HAPON NA BINUBUO NG 120 SUNDALO. ANG PANGKAT NA ITO NI VINZONS NA KINIKILALA NG APWESPAC BILANG VINZONS DIVISION-TLIRK COMMAND ANG KAUNA-UNAHANG YUNIT NG GERILYA SA PILIPINAS NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. ANG UNANG PAKIKIPAGLABANG ITO NG MGA GERILYA AY KINASANGKUTAN DIN NANG LUMAON NG USAFFE RECONNAISSANCE, 51ST DIV. PA., NA BINUBUO NG 16 NA SUNDALO AT PINAMUMUNUAN NG ISANG AMERIKANO AT DALAWANG PILIPINONG OPISYAL AT TINULUNGAN NG MGA BOLUNTARYONG SIBILYAN. ANG BANTAYOG NA ITO AY ITINAYO PARA SA DIYOS AT SA TAO, SA KAPAYAPAAN AT KALAYAAN.
The marker should be read as this:
ReplyDeleteSA TULAY NA ITO, GANAP NA IKA-4:30 N.U., IKA-18 NG DISYEMBRE 1941, NASAKSIHAN ANG UNANG PAGPAPAPUTOK NG USAFFE CAMARINES NORTE STATION NI W.Q. VINZONS LABAN SA PAMBUNGAD NA HANAY NG LUMULUSOB NA HUKBONG IMPERYAL NG HAPON NA BINUBUO NG 120 SUNDALO. ANG PANGKAT NA ITO NI VINZONS NA KINIKILALA NG APWESPAC BILANG VINZONS DIVISION-TURKO COMMAND ANG KAUNA-UNAHANG YUNIT NG GERILYA SA PILIPINAS NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. ANG UNANG PAKIKIPAGLABANG ITO NG MGA GERILYA AY KINASANGKUTAN DIN NANG LUMAON NG USAFFE RECONNAISSANCE, 51ST DIV. PA., NA BINUBUO NG 16 NA SUNDALO AT PINAMUMUNUAN NG ISANG AMERIKANO AT DALAWANG PILIPINONG OPISYAL AT TINULUNGAN NG MGA BOLUNTARYONG SIBILYAN.
ANG BANTAYOG NA ITO AY ITINAYO PARA SA DIYOS AT SA TAO, SA KAPAYAPAAN AT KALAYAAN.