Location: Jose Abad Santos High School, Numancia Street, San Nicolas, Manila
Category: PersonageS
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: February 19, 1986
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
JOSE ABAD SANTOS Y BARCE
(1886–1942)
HURISTA, ESTADISTA, MAKABAYAN. IPINANGANAK SA SAN FERNANDO, PAMPANGA, 19 PEBRERO 1886. PENSYONADO NG PAMAHALAANG PILIPINO SA ESTADOS UNIDOS, 1904. NAGTAPOS NG PRE-LAW, STA. CLARA COLLEGE; LL.B., NORTHWESTERN UNIVERSITY; AT LL.M., GEORGE WASHINGTON UNIVERSITY, 1909, PAWANG NASA ESTADOS UNIDOS. NAGSIMULA BILANG KLERK, KAWANIHANG TAGAPAGPAGANAP, 1909. ITINALAGANG KATULONG NA MANANANGGOL, KAWAHIHAN NG KATARUNGAN, 1914. NAGING TAGAPAYONG TEKNIKO, UNANG MISYON PARA SA KALAYAAN NG PILIPINAS SA E.U., 1919; PANGALAWANG KALIHIM NG KATARUNGAN, 1922, 1928–1932; KASANGGUNING MAHISTRADO, 1932–1939, AT PAGKARAAN, PUNONG MAHISTRADO NG KATAAS-TAASANG HUKUMAN NG PILIPINAS, KASABAY NITO, NAGING KALIHIM NG PANANALAPI, PAGSASAKA AT KOMERSYO HANGGANG SA PAGSIKLAB NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. TAGAPANGALAGA NG MALASARILING PAMAHALAAN NA MAY LUBOS NA KAPANGYARIHAN BILANG PANGULO MULA 19 PEBRERO 1942 HANGGANG NANG SIYA AY MADAKIP NG MGA HAPON SA CARCAR, CEBU, 11 ABRIL 1942. BINARIL SA HARAP NG KANYANG ANAK NA SI PEPITO SA MALABANG, LANAO NOONG 2 MAYO 1942 DAHIL SA KANYANG PAGTANGGING MAKIISA SA HUKBONG IMPERYAL NG HAPON.
No comments:
Post a Comment