Jose P. Laurel (1891–1959)

Location: Roxas Boulevard cor. Pedro Gil Street, Malate, Manila
Category: Personage
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: Unknown
Marker text:
JOSE P. LAUREL
(1891–1959)

ISINILANG SA TANAUAN, BATANGAS, 9 MARSO 1891. NAGING KALIHIM NG KAGAWARAN NG INTERYOR, 9 PEBRERO – 17 HULYO 1923; SENADOR, 1925–1931; KINATAWAN, KUMBENSYON KONSTITUSYONAL, 10 HULYO 1934 – 23 MARSO 1935; MAHISTRADO (ASSOCIATE JUSTICE) NG KORTE SUPREMA, 29 PEBRERO 1936 – 1941; KALIHIM NG KATARUNGAN AT PANSAMANTALANG PUNONG MAHISTRADO, DISYEMBRE 1941 – ENERO 1942; KOMISYONER PARA SA KAGAWARAN NG KATARUNGAN (23 ENERO) AT KAGAWARAN NG INTERYOR (2 DISYEMBRE), KOMISYONG TAGAPAGPAGANAP, 1942; AT PANGULO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, 14 OKTUBRE 1943 – 17 AGOSTO 1945. TINANGGIHAN ANG LUBOS NA KULABORASYON SA MGA HAPON, KABILANG ANG TUWIRANG PAGDEKLARA NG DIGMAAN LABAN SA ESTADOS UNIDOS, AT SA GAYON NAILIGTAS ANG MGA FILIPINO SA IBAYONG PAGDURUSA, MULING NAGING SENADOR, 1951. YUMAO, 6 NOBYEMBRE 1959.


No comments:

Post a Comment