Location: Guerrero Building, 476 United Nations Avenue, Ermita, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: December 1, 1974
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LUIS ELIGIO GUERRERO
1874–1950
IPINANGANAK SA ERMITA, MAYNILA, NOONG IKA-1 NG DISYEMBRE, 1874 SA MAG-ASAWANG BRIGIDO GUERRERO AT MARIA MERCEDES ALVAREZ.
MANUNULAT AT DALUBHASANG MANGGAGAMOT, SIYA’Y NAGLIGTAS SA LIBU-LIBONG MGA BATANG MAY SAKIT NA BERI-BERI, MALARYA, AT BULUTONG NOONG PANAHON NG AMERIKANO. UNANG DIREKTOR NG LABORATORYO KLINIKA NG OSPITAL NG SAN JUAN DE DIOS (1901–1906); ISA SA MGA UNANG PROPESOR NG MEDESINA SA PAMANTASAN NG PILIPINAS (1907–1917); AT NAGING DEKANO NG MEDISINA SA PAMANTASAN NG SANTO TOMAS.
NAMATAY NOONG IKA-12 NG AGOSTO 1950.
No comments:
Post a Comment