Location: Malong Street, San Carlos, Pangasinan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1988
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LUNSOD NG SAN CARLOS
DATING BINALATOGAN, ANG UNANG BAYAN NG PANGASINAN NA ITINATAG NG MGA PARING DOMINIKANO SA ABAGBAGAN NOONG 1587. DITO ITINATAG ANG UNANG MISYON NG MGA DOMINIKANO SA LALAWIGAN AT GINANAP ANG UNANG PAGDIRIWANG NG KAPITULO PROBINSIYAL NG ORDEN NG MGA DOMINIKANO NOONG 1617. NAGING SENTRO NG PAG-AALSA NINA ANDRES MALONG, 1660–1661; JUAN CARAGAY, 1718–1719; AT NG PAGHIHIMAGSIK NI JUAN DELA CRUZ PALARIS, 1762–1764. INILIPAT SA KASALUKUYANG POOK AT PINANGANLANG SAN CARLOS AYON SA ATAS NG HARI NG ESPANYA MATAPOS ANG PAGHIHIMAGSIK NI PALARIS NOONG 1764. IPINATAYO ANG CASA TRIBUNAL, 1820. NAGING LUNGSOD SA BISA NG BATAS REPUBLIKA BILANG 4487, HUNYO 17, 1965.
No comments:
Post a Comment