Location: Albay Gulf Landing Commemoration Site, Rawis, Legazpi City
Category: Sites/Events
Type: Event
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2008
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PAGDAONG SA LEGAZPI
DITO DUMAONG ANG 158TH INFANTRY REGIMENTAL COMBAT TEAM NG US 6TH ARMY NA PINAMUNUAN NINA BRIG. GEN. HANFORD MACNIDER AT CAPT. HOMER MCGEE UPANG PALAYAIN ANG BAYAN NG LEGAZPI MULA SA MGA HAPONES, 1 ABRIL 1945. KATULONG ANG MGA GERILYANG PINAMUNUAN NI LT. COL. DEMETRIO CAMUA. NABAWI ANG SAN BERNARDINO STRAIT NA NAGPADALI SA RUTANG PANDAGAT MULA SA MAYNILA PATUNGONG KARAGATANG PASIPIKO, SAMAR AT LEYTE. ITO ANG HULING PAGDAONG NG HUKBONG AMERIKANO SA LUZON NA NAGPALAYA SA KABIKULAN.
No comments:
Post a Comment