© Ramon FVelasquez/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 3.0 |
Location: 785 Nicanor Padilla Street, San Miguel, Manila
Category: Personage
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: August 20, 1994
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SABINO B. PADILLA
(1894–1986)
IPINANGANAK, AGOSTO 21, 1894, SAN MIGUEL, MAYNILA. NAGKAMIT NG TITULONG BATSILYER SA SINING, ATENEO DE MANILA, 1911; BATSILYER SA BATAS, UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES, 1915; NAGPAKADALUBHASA SA BATAS, COLUMBIA UNIVERSITY, NEW YORK, 1917. GINAWARAN NG DOCTOR IN JURE CIVILE, UNIVERSITY OF SANTO TOMAS, 1937; DOKTORADO SA BATAS, UNIVERSITY OF MANILA, 1969. HUMAWAK NG MATATAAS NA KATUNGKULAN SA PAMAHALAAN, KABILANG ANG PAGIGING ATTORNEY GENERAL, 1919; AUXILIARY JUDGE, CFI–JOLO, SULU, 1929; DISTRICT JUDGE, CFI–NUEVA ECIJA, 1933; PRESIDING JUDGE CFI–3RD BRANCH MANILA, 1936; NAGING KATULONG NA MAHISTRADO NG HUKUMAN NG PAGHAHABOL AT KATAAS-TAASANG HUKUMAN NG PILIPINAS, 1946; KALIHIM NG KAGAWARAN NG KATARUNGAN, 1948; MULING NAGLINGKOD SA KORTE SUPREMA BILANG KATULONG NA MAHISTRADO, 1948–1964. PANGULO, ASOCIACION DE LOS VETERANOS DE LA REVOLUCCION, 1962–1986. TUMANGGAP NG MARAMING GAWAD AT KARANGALAN SA LOOB AT LABAS NG BANSA, NATATANGI RITO ANG LEGION OF HONOR NA MAY RANGGONG KOMANDER MULA KAY PANGULONG DIOSDADO MACAPAGAL, 1964. NAMATAY, HUNYO 15, 1986.
No comments:
Post a Comment