Location: Tigbauan Church, Allera Street, Tigbauan, Iloilo
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: December 7, 1975
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
TIGBAUAN
(1575–1975)
ITINATAG BILANG BISITA NG OTON NOONG 1575 AT NAGING PAROKYA NOONG 1580. NAGING LUNAN NG KAUNAUNAHANG PAARALAN AT DORMITORYO SA PILIPINAS NA ITINATAG NI PEDRO CHIRINO, S.J. NOONG 1592. LUMAHOK SA HIMAGSIKAN LABAN SA MGA KASILA NOONG 1898 AT SA PAKIKIDIGMA LABAN SA MGA AMERIKANO NOONG 1899–1901. ITINATAG ANG PAMAHALAANG SIBIL NOONG 1901. LUMUNSAD ANG MGA AMERIKANO SA NAYON NG PARARA NOONG IKA-18 NG MARSO, 1945 BILANG UNANG HAKBANG SA PAGPAPALAYA SA PANAY. PINILING MAGING LUNAN NG SOUTHEAST ASIAN FISHERIES DEVELOPMENT CENTER NOONG 1973.
No comments:
Post a Comment